Veteran singer Richard Reynoso criticizes Daniel Padilla's performance at Binibining Pilipinas 2017

IMAGE Richard Reynoso on Facebook / Allan Sancon

Binatikos ng batikang singer na si Richard Reynoso ang naging performance ng Kapamilya star na si Daniel Padilla sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2017. Parang nagbi-videoke lang daw kasi si Daniel habang hinaharana ang Top 25 candidates ng pageant. 


Hindi ikinatuwa ng batikang mang-aawit na si Richard Reynoso ang pagharana ng actor-singer na si Daniel Padilla sa Top 25 candidates ng Binibining Pilipinas 2017 noong Linggo, April 30.

Kinanta ni Daniel ang classic song na "The Way You Look Tonight," na orihinal na awitin ni Frank Sinatra.

Ayon sa Facebook post ni Richard noon ding Linggo, nagmistulang background ang mga kandidata, sa halip na ipadama na sila ang pinakamagandang babae sa gabi ng timpalak.

Pinuna rin ni Richard ang hindi magandang pagkakaawit ng Kapamilya matinee idol.

Ito ang sabi ng singer ng mga sikat na awiting "Paminsan-minsan" at "Hindi Ko Kaya" sa Facebook:

“Halehalehoys!!! Iba na talaga ang panahon ngayon.

"Dati, pag kumakanta ka sa 'beauty pageant', hinaharana mo yung mga kandidata and make them feel na sila ang pinakamagandang babae at that very moment.

"Ngayon, mukhang backdrop na lang ang mga kandidata at di na din yata required na nasa tono ka sa pagkanta. Nuba?!"

Sinamahan pa niya ito ng mga hashtag na: #binibiningpilipinas2017 #walanamangganyanan  #sobrangdismayado  #ginawangvideokeangbigdome #ibanatalagangayon #wasak #walanabangiba.

Sa mga nakaraang beauty pageants, ang mga singer o artistang nagsi-serenade ay karaniwang umiikot at kinakantahan lahat ng kandidatang nasa entablado.

Sa production number ni Daniel sa Binibining Pilipinas 2017, nasa harapan lamang siya ng mga kandidata habang kumakanta.

Naka-shades din ang 22-year-old actor habang nagpi-perform.

“WALANG BASTUSAN.” Sa comment section ng kanyang Facebook post, hindi pa rin nagpaawat si Richard sa pagpuna sa performance ni Daniel.

Aniya, kahindik-hindik ang pag-serenade ng Kapamilya star sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas.

Sana raw ay pinaghandaan ni Daniel ang kanyang performance dahil isa itong prestigious event.

Sabi pa niya, “Walang bastusan.”

Narito ang palitan ng kuru-kuro ni Richard at ng kanyang Facebook friends:







“I SELDOM RANT ON FB.”  Sabi pa ni Richard, bihira siyang mag-post ng rant sa Facebook, pero hindi raw niya mapapalampas ang sintunadong pagkanta ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I seldom rant sa FB page ko but this has nothing to do with being a Filipino or kung superduper mahal ka ng masa o panlalait lang.

"Ang isyu ko lang naman dito, mga kapatid ay yung PERFORMANCE.

"Ang hirap pong lunukin o tanggapin na ang isang NAPAKAprestigious event na tulad ng Binibining Pilipinas ay basta kakantahan ng parang nasa videoke lang. 

“Noon, pag ginawa mo yun, humanda ka na sa backstage dahil tiyak na mumurahin ka ni Direk Fritz Ynfante [veteran director].

"Kaya dapat paghandaan mong mabuti pati kung saang camera ka haharap at saan ka pupuwesto at that very particular line ng kanta.

"Days before the event nakarehearse na sa utak mo ang mga gagawin mo. HINDI KO PO IYON NAKITA KAGABI.

"At kahit na sino pang singer ang gumawa nun, ganito pa rin ang gagawin ko sa WALL ko."

Ayon naman sa ilang followers ng singer, baka raw magalit si Karla Estrada, ang ina ni Daniel, sa kanyang pagpuna sa performance ng aktor.

Sagot ni Richard, alam ni Karla ang maganda at hindi magandang performance bilang hurado ito ng "Tawag ng Tanghalan.

Ang "Tawag ng Tangahalan" ay ang singing search sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Narito ang palitan ng usapan ni Richard at ng ilan niyang Facebook followers:




“WALA NA BANG IBA?” Kasunod na pinuna ni Richard ang pagkakapili kay Daniel bilang performer upang magharana sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2017.

Mayroon naman daw ibang bankable singers ang ABS-CBN na hindi hamak na makakapag-deliver ng mas magandang performance, katulad ni Piolo Pascual.

Ayon naman sa manunulat at MTRCB board member na si Mario Hernando, na nag-comment sa FB post ni Richard, sana raw ay tinanggal ni Daniel ang kanyang multi-coated shades noong kumanta siya.

Narito ang kanilang mga komento:




May ilan namang fans si Daniel na sinita si Richard, pero hindi na ito sinagot ng beteranong singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring maging pahayag ni Daniel o ng Star Magic tungkol sa mga pahayag ni Richard.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN