Iza Calzado wants to be a ninang of ex-boyfriend Atticus King's baby

IMAGE Noel Orsal

Iza Calzado is happy to be in good relationship with her ex-boyfriends, saying, "I actually treat all my exes as brothers, parang family, in some weird ways."

 


Nananatiling mabuting magkaibigan ang aktres na si Iza Calzado at ang kanyang ex-boyfriend na si Atticus King.

Sa katunayan, isa si Iza sa maagap na nagla-like kapag nagpu-post si Atticus sa Instagram ng mga larawan ng kanyang anak.

Si Atticus ay engaged na sa ina ng kanyang anak na si Kim Epil.

Si Iza naman ay masaya na rin sa piling ng British-Filipino boyfriend na si Ben Wintle.

Sabi ng aktres tungkol sa pagla-like niya Instagram posts ni Atticus, “Oo naman, ‘cause we’re good friends.

“I have to visit them pa, hindi ko pa nakikita, but he sent me photos of his baby. 

“Pero huwag na lang nating anuhin yung name kasi baby pa.”

Gusto rin daw ni Iza na maging ninang ng anak ni Atticus.

“Ay, gusto ko… pero inasar ko siya.

“Hindi ko alam kung kukunin niya ‘ko, but I’ll be so honored.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa press screening ng pelikula niyang Bliss noong nakaraang linggo.

LIKE BROTHERS. Ayon kay Iza, maganda ang relasyon niya sa kanyang ex-boyfriends, hindi lang si Atticus.

Saad niya, “Ganito ang relationship ko with all of my exes and their families. Kaibigan ko sila.

“I actually treat all my exes as brothers, parang family, in some weird ways.”

Pero may process pa rin daw pagkatapos ng breakup bago sila maging magkaibigan muli. 

Paliwanag ni Iza, “Siyempre it takes a while before it comes to this point.

“Pero it doesn’t take that long of a time, lalo na yung last two, kasi super-super close ako sa family nila.

“Lalo na yung first, parang kapatid ko na, kasi he was part of my life even before I became artista.

“I was there noong kasal niya.”

Sabi pa ni Iza, hindi kasi siya mapagtanim ng galit o sama ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na yung mga nang-hurt sa akin.

“And, of course, thank you rin naman sa mga na-hurt ko, napatawad din nila ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN