Sharon Cuneta apologizes on behalf of Senator Tito Sotto

IMAGE Noel Orsal / Instagram

In a long Facebook post, Megastar Sharon Cuneta asks the public to understand and forgive her uncle, Senator Tito Sotto, who is being criticized for his joke on DSWD Secretary Judy Taguiwalo for being a single parent. Sharon considers the senator as her second father. 


Ipinagtanggol ng Megastar na si Sharon Cuneta si Senator Tito Sotto hinggil sa isyung kinasasangkutan nito ngayon.

Sentro ng batikos ngayon ang senator-TV personality dahil sa ginawa nitong pagbibiro kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa isinagawang hearing ng Commission of Appointments (CA) sa Senado noong Miyerkules, May 3.

Ayon kay Sotto, ang salitang kalye para sa mga single parent na katulad ni Taguiwalo ay "na-ano lang."

Ang "na-ano lang" ay naging running joke sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga, kung saan host si Sotto.

Sinasabihan ng mga host ng programa na "na-ano lang" ang isang female contestant o "Sugod Bahay" winner kapag nalaman nilang may anak ito ngunit walang asawa o hiwalay.

SHARON DEFENDS TITO. Sa kanyang Facebook account ngayong Biyernes ng tanghali, May 5, hiningi ng tawad ni Sharon si Senator Tito na itinuturing niyang “second father.”

Ang yumaong ina ni Sharon na si Elaine Cuneta ay kapatid ng misis ni Tito na si Helen Gamboa.

Itinuturing ng mag-asawang Helen at Tito ang kanilang pamangkin na si Sharon bilang kanilang panganay na anak.

Pahayag ng Megastar sa kanyang post, "I would have preferred to be quiet about this matter, but because I know the man involved in this issue and consider him my second father, please be kind and give me this opportunity to put this forth."

Ayon kay Sharon, siya rin ay naging single mother sa panganay na anak na si KC Concepcion—anak niya sa kanyang unang asawa na si Gabby Concepcion.

Gayundin din ang kanyang dalawang pinsan na anak mismo ni Senator Tito, isa na rito ang aktres na si Ciara Sotto. 

“I MYSELF was a single mother. My two beloved cousins whom I consider true sisters, mga anak mismo ng kilala ko bilang 'Fath' at 'Daddy,' at kilala niyo bilang tito sen o Sen. Sotto, ay single mothers din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit naman nya babalahurain ang mga tulad naming mahal nya Kung yun nga ang pakay nya?” punto ng actress/singer/TV host.

SORRY ON BEHALF OF TITO. Sabi pa ni Sharon, “As his ‘panganay,’ and without even having spoken with him about this, I offer my sincerest and deepest apologies sa lahat po ng nasaktan at na-offend ng comment nya.

"Minsan po siguro lahat tayo ay nauuna sa pag-iisip ang pagsasalita.

“At tulad po ng narinig ko ngayon Lang, humingi na rin sya ng paumanhin.

"Sana po ay matuto tayong magpatawad.

"Lahat po tayo ay nagkakamali.

"At lahat tayo ay nangangailangan din po ng patawad sa anumang nagawa natin para makasakit ng kapwa, sadya man natin o Hindi.”

Nakiusap din ang Megastar na huwag nang idamay pa si Ciara, na bina-bash ngayon dahil isa siyang single mom.

“Huwag po sana kayo magalit sa akin o masamain ito.

"Lahat ng anak ay nasasaktan din. Lahat ng Ate ay dumudugo ang puso kapag ang kapatid- ang akin ay si Ciara Anna - ay nadadamay sa pagkakamali ng ama.

“Napakatinong babae po ng mga kapatid ko.

"Si Ciara ay di pa natatapos sa pagluluksa, pagluha, sa sakit na di nya inaasahang dadanasin pala niya. Patawad po.

“At maawa po sana kayo. Please spare her, like other good single mothers who were surely not meant to be included in a single, unthought of moment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN