Jaclyn Jose confident custody issue over granddaughter will be resolved peacefully

IMAGE Noel Orsal

Jaclyn Jose on battle for custody of her granddaughter Ellie: "I hope na pag-usapan na lang 'yan, tutal nahihiram naman yung bata."

 


Umaasa ang veteran actress na si Jaclyn Jose na magkakasundo rin sa huli ang kampo nila ng anak na si Andi Eigenmann at ang kampo ni Jake Ejercito.

Sina Andi at Jake ay dating magkasintahan at mayroong limang-taong-gulang na anak.

Kamakailan ay naghain si Jake sa korte ng petition for joint custody para sa anak nila ni Andi.

Si Jake ay anak ni dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph 'Erap' Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Pahayag ni Jaclyn sa gusot sa pagitan ng dalawang partido, “Hindi naman siguro mabigat, lahat naman siguro 'yan madadaan sa usapan.

“Magpapamilya ‘yan, kahit na ano pang sabihin mo.

“Si Laarni, lalo na si Erap, ayaw nila ng gulo.

“Ayaw din naman namin, lalo na.
   
“I’m sure and I hope na pag-usapan na lang ‘yan, tutal nahihiram naman yung bata.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jaclyn sa 19th Gawad Pasado Awards, na ginanap sa Teresa Yuchengco Auditorium sa De La Salle University-Manila, noong Miyerkules, May 3.

Ginawaran si Jaclyn ng Natatanging Pasado Award para sa pelikulang Ma' Rosa, ka-tie si Paulo Ballesteros para naman sa Die Beautiful. 

NO BASIS. Kinontra ni Jaclyn ang pahayag ng kampo ni Jake na nahihiram lang nito ang anak depende sa mood ni Andi.
   
Saad ng D'Originals actress, “Mayroon naman yata tayong mga records ng mga Instagram nila at saka ng mga events nila na nandun si Ellie.

“So, I don’t think what they are saying is valid.
   
“Gusto namin, lalo na si Andi, na mabuo ang pagkatao ni Ellie, so walang problema yun.

“Of course, they have to give reasons, but I’m still hoping for the better.

“Mabait naman si Mayor Erap, I’m sure si Laarni and the rest will give way.

“Andi and Jake will talk things over, pag-usapan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw basehan ang alegasyon ni Jake na mali ang ibinigay na petsa ni Andi kaya hindi siya nakapunta sa graduation ng kanilang anak.
   
Saad ni Jaclyn, “It is not our fault, mas marami silang tao kaysa sa amin, busy kami ni Andi.

“Sana gumawa sila ng paraan para malaman, huwag yung feed lang namin o ni Andi kung ano yung event na dapat niyang puntahan.

“Kaya nilang alamin yung gusto nila.”


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jake Ejercito keeps mum about joint custody petition
Jake Ejercito keeps mum about joint custody petition

NO BASIS. Wala raw ideya si Jaclyn kung nagkaharap na sina Jake at Andi pagkatapos maghain ng petition for joint custody ng anak ni Erap.

Sabi lang niya, “Basta ang alam ko, si Ellie kagagaling lang sa kanila, nung birthday ni Mayor.

“And before that, yung mga rehearsals and recordings.”

Nasa bakasyon ngayon si Andi, at si Jaclyn ang nag-aalaga sa kanyang apo.
  
Aniya, “She’s good, she’s having her vacation.

"Ellie is okay, she’s with me for the moment habang nakabakasyon si Andi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN