Miho Nishida on ex-BF Tommy Esguerra: "Ayaw ko naman pong isipin na ginamit ako."

IMAGE Instagram @real.miho_nishida

"Naramdaman ko rin naman po yung love niya sa akin. Nagkataon lang po siguro yun. Dahil sa amin po, hindi naman po namin plinano na after the show wala na. So, siguro na-timing-an lang talaga," pahayag ni PBB 737 Big Winner Miho Nishida tungkol sa pagkasabay ng hiwalayan nila ni Tommy Esguerra sa pagtatapos ng kinabilangan nilang programa sa ABS-CBN.


Pinabulaanan ni Miho Nishida ang espekulasyong ginamit lang siya ng ex-boyfriend na si Tommy Esguerra upang umusad ang showbiz career nito.

Pahayag ni Miho, “Parang hindi ko naman po inisip at ayaw ko naman pong isipin na ginamit ako.”

Kaugnay ito ng isyung publicity stunt diumano ang relasyon ng dating magkasintahan.

Sa taped episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Biyernes, May 6, tinanong ng guest host na si Boy Abunda kung coincidence lamang ba na naghiwalay sina Miho at Tommy kasabay ng pagtatapos ng daytime soap na Langit at Lupa.

Parehong cast members sina Tommy at Miho sa teleseryeng nagtapos noong April 28.

April 26 nang kumpirmahin ng Star Magic—ang kinabibilangan nilang talent management—na hiwalay na ang magkasintahan.

Patuloy ni Miho, “Naramdaman ko rin naman po yung love niya sa akin.

“Nagkataon lang po siguro yun.

“Dahil sa amin po, hindi naman po namin plinano na after the show, wala na.

“So, siguro na-timing-an lang talaga.”

LANGUAGE BARRIER. Ayon kay Miho, 24, language barrier ang dahilan ng hiwalayan nila ni Tommy.

Lumaki kasi sa Japan si Miho at hindi siya gaanong makaintindi ng Tagalog at English nang sumali siya sa Pinoy Big Brother.

Si Tommy, 22, naman ay lamaki sa U.S.

Paliwanag ni Miho, “Wala po [akong galit sa kanya]. Pero meron akong tampo sa sarili ko at sa sa kanya.

“Parang hindi lang namin nagawa na eksaktong… Hindi kami nagkaintindihan sa language.

“So, sana naayos namin yun at the time. At maaayos naman yun kung gugustuhin namin kasi lengguwahe lang.”

Hindi raw nagtanim ng sama ng loob si Miho.

Lalo pa’t nagsimula raw sila ni Tommy bilang magkaibigan at talagang nagkasundo pagdating sa kulitan.

Nang tanungin kung iniyakan niya si Tommy, sagot ni Miho, “Hindi po.

“Hindi naman lahat ng bagay na porke malungkot ka, hindi naman lahat lumalabas sa kaluhaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, malungkot ka siyempre kasi naghiwalay kayo, minahal mo rin siya.”

SAD FOR DAUGHTER AIMI. Pero nang maalala ang pagiging malapit ni Tommy sa kanyang anak na si Aimi, hindi na napigilan ni Miho ang maging emosyunal.

Dagdag pa ang kaalamang “Daddy” na kung tawagin ng kanyang anak si Tommy.

Naluluhang saad ni Miho, “Actually, hindi ko pa po nasasabi sa kanya na wala na kami.

“Parang ang hirap. Parang, paano? Hindi ko alam.

“Pero alam niya ang sitwasyon.

"Kumbaga, hindi na lang siya nagtatanong. Alam niya, e."

Nagkakilala at nagkamabutihan sina Tommy at Miho sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother 737 noong 2015.

Doon din umusbong ang kanilang tambalan na nakilala bilang ToMiho.

Si Miho ang itinanghal na Big Winner habang si Tommy ang Second Big Placer nang magtapos ang programa noong November 8, 2015.

Pagkalipas ng mahigit isang buwan, December 19, 2015, opisyal na naging magkasintahan ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN