Iza Calzado to wed boyfriend Ben Wintle on April 28, 2018?

IMAGE Iza Calzado Instagram

Is Iza Calzado ready to settle down with longtime boyfriend Ben Wintle? The Kapamilya actress said, "It's gonna happen. Actually, kasalanan ko din yata, kasi dati, 'I don't wanna get married yet.' Tapos dumarating pala yung point na, 'Ay, puwede na akong magpakasal.' Pero I think dumating na rin ako sa point na mas mature na ako, na alam kong lahat ng fears mo nasa utak mo lang iyan, e."


Nagpaliwanag si Iza Calzado tungkol sa usap-usapang Instagram post ng kanyang manager na si Noel Ferrer.

Nag-post kasi sa IG si Noel ng wedding anniversary photo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong April 28.

Sa caption nito ay tila may pahulaan si Noel kung sino ang susunod na ikakasal sa April 28, 2018:

“IN FAIRNESS TO RYAN, HE CAME PREPARED WITH A WEDDING BOUQUET which he gave Juday. At the end of the Mass/Ceremony, traditionally, the bouquet is to be thrown away and is caught by the next one who'll get married. NO NEED THIS TIME. Because this morning, the APRIL 28, 2018 date has been reserved for a couple in our ‘extended family circle’ --- guess who? a) KC CONCEPCION & ALY BORROMEO, b) IZA CALZADO & BEN WINTLE, or c) SARAH GERONIMO & MATTEO GUIDICELLI? --- Fr. @titocaluag has already saved it in his calendar. UNTIL THE NEXT AUSPICIOUS WEDDING DATE. SEE YOU ALL!”

NO PROPOSAL YET. Sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong araw, May 5, diretsahang tinanong ng guest co-host na si Boy Abunda si Iza kung ang couple ba na ikakasal sa April 28, 2018 ay sila ng boyfriend niyang si Ben.

“Kapag siya po ay nag-propose na, posible,” sambit ng Kapamilya actress.

Paliwanag pa niya, “Kasi ganito yun, ang dami ngang nagtatanong kung kami daw ba yun.

“Sabi ko, pinangunahan naman kami. Ni-reserve nila, pero hindi pa kami engaged.”

So, ibig sabihin naka-reserve talaga ang date na iyon para sa kanila ni Ben?

Sagot ni Iza, “Yes. Parang kasi anniversary iyan nina Juday.

“I think also nina Lucy at Richard, and Sharon din ba and Kiko Pangilinan?"

Ikinasal sina Richard Gomez at Lucy Torres noong April 28, 1998.

Sina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan ay ikinasal naman noong April 28, 1996.

Patuloy ni Iza, “So, the intent of Noel… not just Noel, but Juday… kasi we have a chat group, sabi nila auspicious yung date, 'Sinong isusunod natin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi mismo ni Juday, ‘Di ba dapat si Iza at saka si Ben?’ Tapos ni-reserve na nila.”

Ano ang reaksiyon ni Ben?

“Hindi pa niya alam. Mamaya sasabihin ko sa kanya.”

READY TO GET MARRIED. Ang punto naman ni Iza, paano sila ikakasal kung hindi pa nagpo-propose si Ben sa kanya?

Kaya ngayon, hinihintay lang daw niyang gawin ito ng boyfriend niya.

Ayon sa 34-year-old actress, “It’s gonna happen.

“Actually, kasalanan ko din yata, kasi dati, ‘I don’t wanna get married yet.’

“Tapos dumarating pala yung point na, ‘Ay, puwede na akong magpakasal.’

“Pero I think dumating na rin ako sa point na mas mature na ako, na alam kong lahat ng fears mo nasa utak mo lang iyan, e.

“Parang you also manifest things. If you think about it positively, then good things will happen.”

Pero mayroon na ba silang seryosong usapan ni Ben?

“Yes, we talked about it, we talked about marriage,” sagot ni Iza.

“I think hinihintay lang niyang makita yung time na pag sinabi niyang ‘having kids,’ hindi na ako ‘Hmm…’ gaganun.

“Importante kasi sa kanyang magkaroon ng kids.

“And sa akin naman, slowly, kasi medyo, again, takot. Pero kaya iyan.”

Inspired daw si Iza sa magandang relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

“Kasi talagang goals ko sa buhay ay si Juday at si Ryan. Parang couple peg o relationship goals.”

Si Ben na ba ang kanyang a love to last?

Tugon niya, “Yes. Ang bilis ng sagot ko, napa-yes ako.

“Yes, amen. I-claim natin. Nasa amin naman iyan e.”

Incidentally, A Love To Last ang title ng kinabibilangang primetime teleserye ni Iza sa ABS-CBN.

BEN’S MOTHER LOVES IZA. Samantala, ikinagulat at naging emosyunal si Iza sa sorpresang VTR message sa kanya ng mommy ni Ben na si Mrs. Friday Wintle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa short message ni Mrs. Wintle, “Hi Iza, just letting you to know that we love having you in our family. And stay beautiful inside out.”

Nang matanong si Iza kung bakit siya naging emotional, sagot niya, “Nagulat lang ako. Iyakin po talaga ako. Nagulat ako.

“Siya po yung mommy ni Ben, si Tita Friday. ‘Hi, Tita Friday!’

“She’s very, very nice. The whole family is very nice and loving.

“She’s super nice and I really appreciate her and her family’s acceptance. Kasi importante iyon, e.

“At saka sobrang na-appreciate ko kung paano nila pinalaki si Ben.

“Kasi kung hindi nila pinalaki nang maayos si Ben, ewan ko na lang kung nag-work itong relationship namin.”

Dagdag-papuri pa ni Iza sa ina ng boyfriend, “She’s so pretty and she’s so chic.

“At saka ultimate homemaker siya, so I have super big shoes to fill.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN