Joey Marquez's daughter passes 2016 bar exams

IMAGE Facebook photo of Jowee Ann Marquez

Jowee Ann Marquez, Joey Marquez's daughter with former actress Brenda del Rio, is among the 3,747 aspiring lawyers who passed the 2016 bar exams.


Isa nang abugado ang anak ni Joey Marquez sa dating aktres na si Brenda del Rio.

Kabilang si Jowee Ann Marquez sa 3,747 aspiring lawyers na pumasa sa 2016 bar exams, base sa resultang inilabas ng Supreme Court noong Miyerkules, May 3.

Sa pamamagitan ng Facebook post niya kahapon, May 4, nagpasalamat si Jowee Ann sa mga taong naging bahagi ng tagumpay niya, at isa na rito ang kanyang ama.

Sabi niya, “Papa, thank you for making me stronger, who I am today, for pushing me to strive harder and higher in everything that I do.

“You have taught me lessons I never would have learned in a classroom. Thank you.”

Si Jowee Ann ay nagtapos ng kursong Political Science sa Ateneo De Manila University.

Natapos naman niya ang abogasya sa College of Law ng San Beda Alabang.

Bukod kay Jowee Ann, may isa pang anak si Joey kay Brenda—ang dating Abt Ur Luv star na si Zia Marquez.

Narito ang mensahe ni Zia para sa kanyang ate:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN