Jodi Sta. Maria bent on finishing her pre-med course

IMAGE Noel Orsal

Jodi Sta. Maria on going back to school: "I really want to put a premium on education because I have a son, and I want to be able to set a good example for him."


Isang makahulugang mensahe raw ang ipararating ni Jodi Sta. Maria kung sasabihin niya ang titulo ng bago niyang pelikulang Dear Other Self.

“Parang if there are dreams in your heart na hindi pa napu-fulfill at this time, don't just easily let go of it because at the proper time, your dreams will be realized,” sabi ni Jodi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikula niya kahapon, May 5.

Napapanahon daw ito dahil may plano siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Sabi ng Kapamilya actress, “That's something na hindi po nawala sa puso at isipan ko, yung pagme-medisina.

“This year, I'm going back to school.

"I'm very grateful na I was able to find a school na mayroon silang home study program kung saan puwede ko pong ituloy yung pre-med course ko po.”

Dagdag pa ni Jodi, napakaimportante na maabot ang pangarap niyang ito.

Rason niya, “Kasi, parang hindi ko siya nagawa ng isang diretso—parang installment.

“I graduated from high school 2010.

"Now, I'm pursuing another course.

"Hopefully, in two and a half years, matapos ko na siya."

Higit sa lahat, gusto raw ni Jodi na maging magandang huwaran para sa anak na si Thirdy.

Aniya, “Partly, I'm being motivated by my being a mother.

“I really want to put a premium on education because I have a son, and I want to be able to set a good example for him.

“I want to lead by example.”

Ipagpapatuloy ba niya ito hanggang maabot ang pangarap niyang maging doktor.

Nakangiting sagot ni Jodi, “God-willing, yes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN