Vic Sotto announces wife Pauleen Luna is pregnant!

IMAGE Instagram

Vic Sotto, who recently celebrated his 63rd birthday, gets a nice birthday present from wife Pauleen Luna, who is now pregnant with their first child.


Buntis na si Pauleen Luna!

Ito ang magandang balitang inanunsiyo ni Vic Sotto sa episode ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, May 6.

Magandang regalo rin ito para kay Vic, na ipinagdiwang ang kanyang 63rd birthday noong April 28.

Nagbiro pa si Vic sa kanyang announcement nang sabihing buntis siya, dahilan para tumawa ang studio audience.

“Hindi po ako, ang aking asawa ang buntis,” bawi ng comedian-TV host.

Dagdag pa ni Vic, dasal nila ay maging matagumpay ang pagbubuntis ni Pauleen.

Ikinasal sina Vic at Pauleen noong January 30, 2016 sa Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang ipinagbubuntis ni Pauleen ang ika-limang anak ni Vic.

May dalawa siyang anak, sina Danica at Oyo, sa unang niyang asawa na si Dina Bonnevie.

May anak din siya kay Coney Reyes, si Vico, at kay Angela Luz, si Paulina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN