Anne Curtis hailed among Top 30 Most Beautiful in Hollywood-based webmag

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis feels ecstatic about being included in Buzznet's list of Top 30 Most Beautiful Women of 2017: "I don't know exactly how that happened but I'm grateful. Actually, paano ko ba siya nalaman? Nag-tweet sa akin yung mga followers ko. 'Hi Anne! You're part of this list.' So maraming, maraming salamat for including me."


Nag-iisang Pinay si Anne Curtis sa napasama sa listahan ng Top 30 Most Beautiful Women of 2017 na isinagawa ng Hollywood-based social magazine na Buzznet.

Pitong milyong voters ang nag-participate dito, at nakopo ni Anne ang ika-26 na ranking.

Kabilang sa mga napabilang ay sina Naomi Campbell, Oprah Winfrey, Michelle Obama, Gii Hadid, Emma Stone, Emma Watson, Angelina Jolie, Hillary Clinton, Dakota Johnson at Beyonce.

Di naman napigilan ni Anne ang sobrang tuwa at excitement sa pagkakasama niya sa naturang listahan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktres nitong nakaraang Huwebes sa set ng It’s Showtime.

Lahad niya, “Wow! Thank you, maraming, maraming salamat.

“I don’t know exactly how that happened but I’m grateful.

“Actually, paano ko ba siya nalaman?

“Nag-tweet sa akin yung mga followers ko. 'Hi Anne! You’re part of this list.'

“So maraming, maraming salamat for including me.

“Kaya nga sabi ko, wow, leveling!

“Sobrang flattering, but thank you, thank you!”

“Maraming, maraming salamat for everyone who voted for me!”

MOVIE. Nang tanungin naman si Anne kung anu-ano ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon, masayang ibinalita ng aktres na isang pelikula sa ilalim ng kilalang direktor ang ginagawa niya ngayon.

“I’m just busy shooting my upcoming film, yun lang ang ginagawa ko.

“Serye? Wala din muna.

“Right now I’m just busy with Showtime and my upcoming film with Direk Erik Matti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN