Gladys Reyes preps for renewal of vows with hubby Christopher Roxas in 2018

IMAGE Noel Orsal

This early, Gladys Reyes and hubby Christopher Roxas are already making preparations for their renewal of vows on January 23, 2018: "Next year kasi, bale silver anniversary na ng relasyon namin. Eleven years kaming mag-boyfriend, tapos next year bale 14 years na kaming kasal. Para maiba lang, sabi namin, magpakasal kami uli para kasama na namin ang mga anak namin."


Ibinahagi ni Gladys Reyes sa kanyang Instagram account ang sonogram ng ipinagbubuntis niyang baby na malapit na niyang isilang.

Gavin-Cale. 37weeks and 3 days. Looks like he's already bored and wants to see the outside world very soon. #bossbabysommereux

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on

Lahad niya sa caption nito: “Gavin-Cale 37 weeks and 3 days. Looks like he’s already bored and wants to see the outside world very soon #bossbabysommereux”

Base sa estima ni Gladys, sa susunod na linggo ay iluluwal na niya ang pang-apat na anak nila ni Christopher Roxas, at kung siya raw ang masusunod, gusto raw sana ay isilang niya ito sa May 10.

Wala raw sana siyang balak na magpa-ultrasound, pero gusto lang daw makita ng kanyang OB gyne ang posisyon ng baby dahil suhi raw pala ito.

Gusto raw sanang ma-check ng doktor niya kung umikot ito dahil mas okay daw sana kung hindi ito suhi.

“CS naman ako e, pero siyempre safest pa rin sana ang bata kung ang ulo niya ang una, di ba?” pakli niya.

Hindi naman daw niya inaalala nang husto kung suhi ang baby dahil lahat naman pala na panganganak niya ay dumadaan sa Caesarian operation, gawa nang maliit daw ang pelvic bone niya.

“Pero sana umikot pa siya bago mag May 10… pero lagpas na siya ng six pounds e,” dagdag pa niya.

RENEWAL OF VOWS. Kahit malapit na siyang manganak, hindi pa rin nagpapahinga ang aktres dahil ngayon pa lang ay inaasikaso na nila ni Christopher ang kanilang renewal of vows sa susunod na taon.

Napagdesisyunan nga raw nilang mag-asawa na i-celebrate nila ang 25th anniversary ng kanilang relasyon.

“Next year kasi, bale silver anniversary na ng relasyon namin.

“Eleven years kaming mag-boyfriend, tapos next year bale 14 years na kaming kasal.”

“Para maiba lang, sabi namin, magpakasal kami uli para kasama na namin ang mga anak namin,” saad niya.

Nagpahayag daw ng suporta ang kanilang mga close friends at pamilya na ituloy na nila ang renewal of vows na gagawin nila sa January 23, 2018, ang date ng kanilang kasal 14 years nang nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREPARATIONS. Sobrang aga pa raw ang preparasyon, pero suportado raw kasi ito ng mga suppliers ng kasal nila noon.

Sa Fernwood Gardens, Quezon City daw ginanap ang reception ng kasal nila noon, kaya inalok daw ng Fernwood ang isang branch nila sa Tagaytay.

Nakapag-ocular na raw doon ang mag-asawa at nakapag-food tasting na raw sila.

Kinausap na raw niya ang mga close friends niyang naging bahagi ng entourage.

“Sana okay niyan sina Judy Ann [Santos] na may pamilya na.

“Si Angelu [de Leon] may pamilya na rin, pero si Carmi Martin single pa rin hanggang ngayon.

“Sabi niya, ang aso raw niya ang kasama niyang magrampa,” natatawang kuwento ni Gladys.

Magiging bahagi pa rin daw ng kanilang renewal of vows ang mga ninong at ninang nila sa kasal noon, pero idadagdag daw niya sana sina Sen. Grace Poe at Regine Velasquez.

Kung pumayag daw sila, magkakasama na ang mag-inang Sen. Poe at Susan Roces na original ninang nila sa kasal.

“Bale pagpapasalamat na rin kasi ito dahil masasabi ko talagang ‘answered prayer’ si Christopher sa akin, e.

“Saka excited ako para sa mga anak namin na kasama na namin ngayon sa renewal namin,” masayang pahayag ni Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN