Vice Ganda refuses to comment on Terrence Romeo's wedding: "Ayoko nang ma-connect sa kanya."

IMAGE Glenn Regondola

Hindi napilit ng reporters si Vice Ganda na magbigay ng reaksiyon tungkol sa balitang pagpapakasal ng PBA player na si Terrence Romeo, na naugnay sa kanya noon. Paliwanag ni Vice, "Bigyan natin siya ng kapayapaan. Kasi hangga't binabanggit natin siya, e, mapapag-usapan at mapag-uusapan. Hindi siya matatahimik. Siyempre, di ba?"


Tumangging magbigay ng mensahe si Vice Ganda sa pagpapakasal ng PBA player na si Terrence Romeo.

Si Terrence ang lalaking naugnay noon kay Vice, ngunit itinanggi ng basketball player na may relasyon sila.

Read: PBA player Terrence Romeo addresses rumors of relationship with Vice Ganda

Early this year ay napabalitang engaged na si Terrence, bagamat wala nang iba pang detalye ang lumabas, maski na ang pangalan ng babaeng pakakasalan niya.

Ayon sa pinakahuling balita ay ginanap ang kasal ni Terrence noong Abril 22, ngunit isinikreto ito maging sa kanyang teammates sa Global Port.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vice sa thanksgiving presscon niya noong Biyernes, Mayo 5, tila nagulat pa siya nang tanungin tungkol sa kasal ni Terrence.

“Ay, wala po akong reaksiyon diyan!” bulalas niya.

Aware ba siyang nagpakasal na si Terrence?

“Pinaalam mo ngayon, e,” nakangiting tugon ni Vice,

“Ayokong mag-comment. Huwag nating pag-usapan ‘yan, oo.”

Dagdag ng It’s Showtime host, “Bigyan natin siya ng kapayapaan.

“Kasi hangga’t binabanggit natin siya, e, mapapag-usapan at mapag-uusapan.

“Hindi siya matatahimik. Siyempre, di ba?”

Hindi man lang ba siya magbibigay ng mensaheng pagbati sa basketbolistang minsang naugnay sa kanya?

Sabi ni Vice, “Naku, kapag sinabi ko ‘I’m happy for him,’ isusulat ninyo ‘yan. Tapos lalaki na naman ‘yan.”

What about simple congratulations?

“Naku, ‘yang congratulations na ‘yan kapag nagsalita ako, lalaki na naman ‘yan.

“Ayokong magsalita! Hahaha! Ayoko.”

Diin niya, “Ayoko nang ma-connect sa kanya.

“Huwag na nating anuhin, let’s give him peace.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN