Vice Ganda clarifies rumors linking him to Axel Torres, Ervic Vijandre, and Anjo Damiles

IMAGE Glenn Regondola

Vice Ganda on his current love life: "Basta happy ako. Happy kami ngayon, Masaya po ako talaga. Iba yung ganda ko, di ba? Sabi ko nga, iba yung ganda ko rin lately, e. Hindi ko ma-handle!"


Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung sino ang boyfriend ni Vice Ganda.

Maraming pangalan ang inuugnay sa phenomenal box-office star, ngunit wala pa ring kumpirmasyon kung sino sa kanila ang nagpapatibok sa puso ni Vice ngayon.

Sa thanksgiving presscon niya noong Biyernes, Mayo 5, tinanong ng entertainment press si Vice kung ano ang tunay na ugnayan niya sa mga lalaking inili-link sa kanya.

AXEL TORRES. Una na rito ang former Pinoy Big Brother All In housemate na si Axel Torres.

Ayon kay Vice, “Friends kami. Kasi nga yung mga tao, di ba? Ganun dito, e.

“Kung sino ang kasama ng bakla, yun ang dyowa mo.”

Biro pa niya, “Kaya nga matakot kayo, kasi baka mapagkamalan kayo na dyowa ko ngayon, kasi kasama ko kayo.

“Ayun, e, kasi kasama ko rin palagi si Axel, kaya.”

Bakit sila nakikitang magkasama ni Axel?

Saad ni Vice, “Lumalabas kami. Parang si Ronnie [Alonte].

“Nung kasama ko siya palagi, dyowa ko si Ronnie, di ba?

“Nung nakitang kasama ko si Axel, dyowa ko na si Axel, di ba? Yung ganoon?”

Patuloy niya, “Yung mga tao, hindi mo na rin naman... hindi ko yun mawari na.

“E, ako, di ba, sinabi ko na, kapag nakita ninyong kasama ko sa labas, hint na yun. Hindi ko yun dyowa. 

“Kasi hindi ko talaga nilalabas yung dyowa ko.”

ANJO DAMILES. What about newbie actor Anjo Damiles?

Thank you @bangstnj ????????

A post shared by anjo damiles (@anjodamiles) on

Natatawang sabi ni Vice, “Ay, wala! Naku, ang dami-dami naman!

“Ganoon ata talaga kapag maganda ka!

“Alaga ‘yan ni Ogie [Diaz].

“Wala! Wala kaming relasyon. Anak-anakan ko lang siya.”

ERVIC VIJANDRE. Ano naman ang ugnayan nila ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre?

Enjoying the Sun! #GalawangErrol

A post shared by Ervic Vijandre (@ervic_vijandre) on

Saad ni Vice, “Barkada kasi kami. Kasi magkasosyo kami sa Tipsy Pig. 

“Lagi kaming nakikita ng mga tao na magkasama kami sa Tipsy Pig, kasi ano, pareho kaming may share, partner kami sa Tipsy Pig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatawa nga, tatlo kami palagi—si Neil [Arce], si Ervic, at ako.

“Kaya sabi ko, ‘Kay Ervic lang ako nali-link. Bakit hindi ako nali-link sa ‘yo [Neil]?’ 

“Kaya nga sabi ni Neil, ‘Oo nga, e. Porke ba mas guwapo sa akin si Ervic kaya sa kanya ka talaga ni-link?’

“E, kasi, kapag wala si Ervic sa Pilipinas, kami ni Neil ang magkasama halos gabi-gabi.

“Pero hindi ako nali-link kay Neil.”

Si Neil Arce ang rumored boyfriend ngayon ng aktres na si Angel Locsin at ex-boyfriend ni Bela Padilla.

Type ba niya si Ervic?

“Barkada kasi kami at saka may girlfriend siya, e.

“Tsaka ang gaganda ng mga girlfriend nina Ervic at Neil, oo.

“At may boyfriend din ako!” natatawang sagot ni Vice.

VICE’S LOVE LIFE. Bago lang niyang karelasyon o dati pa?

Tumawa lang si Vice at sinabing, “Hindi ko talaga sinasagot!”

As much as possible, iniiwasan na raw ng Kapamilya star na magbigay ng komento pagdating sa kanyang love life.

Paliwanag niya, “Opo, parang as much as possible, huwag ka na ring masyadong madaldal.

“Kasi habang dumadaldal ka, pinapahirapan mo rin ang sarili mo at pinapaliit ko ang mundo ko.

“Hindi ako magaling magtago. Dati, nabubuking ako.

“Pero ngayon, hindi ninyo na talaga mabubuking.

“At ano... ngayon, okay naman kami.

“Basta happy ako. Happy kami ngayon, Masaya po ako talaga.”

Biro pa ni Vice, “Iba yung ganda ko, di ba?

“Sabi ko nga, iba yung ganda ko rin lately, e. Hindi ko ma-handle!”

Masaya siya na mayroon siyang private moments?

Tugon niya, “Oo, e, kasi wala naman akong masyadong ginawa lately, e.

“Ang pinagka-bisihan ko lang pagpasok ng taon, concert ko lang. After ng concert, wala na.

“Yung movie ko, last quarter naman kaya marami-rami rin akong time after Showtime na humarut-harot.

“Magpapakababae lang din minsan, yung ganoon. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nagagawang private ang moments nila ng taong nagpapasaya sa kanya ngayon?

“Privately... I do it privately!” tawa niya.

Paano sila nagkakilala ng partner niya?

“Basta,” pa-girl na sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN