Katrina Halili not affected by Senator Tito Sotto's "na-ano lang" remark

IMAGE Rommel Gonzales

Single mom Katrina Halili says she wasn't affected by Senator Tito Sotto's controversial "na-ano lang" remark: "Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Sa akin, bahala kayo, kung ganyan ang tingin niyo sa akin, hindi ko kayang baguhin. Hindi ko mababago kung ang tingin mo sa akin ganito ako, ganyan ako. Okay lang."


Dahil uso ngayon ang usapin tungkol sa mga single or solo moms, tinanong namin si Katrina Halili kung ano ang masasabi niya sa isyung ito na sinimulan ni Senator Tito Sotto.

Si Katrina ay isang single mother kay Katie, na apat na taong gulang na ngayon.

Si Katie ang anak ni Katrina sa RnB singer na si Kris Lawrence, at bagamat hiwalay na sila at nasa poder ng aktres ang anak, dinadalaw ang bata ng kanyang ama.

Nasaktan ba siya doon, partikular na sa salitang “na-ano” raw ang tawag sa mga single moms, ayon sa biro ni Senator Sotto?

“Actually, ano e, parang tinanong ko yung sarili ko, sinagot ko din, pero ni-notes ko lang [sa cellphone],” pakli niya.

Bakit hindi niya pinost sa social media accounts niya?

Aniya, “E, sa sarili ko lang ito.

“Tinanong ko yung sarili ko, ‘Anong masasabi mo?’

“O, ito yung masasabi ko, sinagot ko.”

NOTE TO SELF. Ayaw ni Katrina na basahin sa harap namin ang naturang “sagot niya sa sarili niya” dahil nahihiya raw siya, pero ipinabasa naman niya sa amin.

Ang notes na nasa cellphone ni Katrina hinggil sa isyu ay matatawag na introspective. Ang kinakausap nito ay ang sarili. Hindi nito ginagawan ng isyu ang iniisip ng iba. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa taping ng D’ Originals (na napapanood sa GMA weekdays pagkatapos ng Legally Blind) kahapon, May 6, sa Annex Building ng GMA Network Center.

Hindi raw nasaktan si Katrina sa isyu o sinabi ni Senator Sotto.

Lahad niya, “Parang yun nga, di ba... sabi ko, wala akong pakialam kung hindi ko naman kailangang i-prove sa inyo na, ‘Hoy, mabuti akong tao!’

“So kung gusto kong maging mabuting tao, gawin ko sa sarili ko. So iyon.”

At napalaki niya nang maayos si Katie.

“Iyon, siyempre po! Iyon ang importante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinatrabaho ng matagal na proseso. Dapat, di ba?”

NOT AFFECTED. Ano ang naramdaman niya noong una niyang narinig ang tungkol sa isyu ng mga “na-ano?”

“Wala po, kasi di ba yung sabi ko, parang… sa akin wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

“Sa akin, bahala kayo, kung ganyan ang tingin niyo sa akin, hindi ko kayang baguhin.

“Hindi ko mababago kung ang tingin mo sa akin ganito ako, ganyan ako.

“Okay lang.

“Basta ako babaguhin ko yung sarili ko kung may dapat baguhin. So iyon.

“Kanya-kanya naman, di ba? Iba-ibang tao puwedeng magbigay ng opinyon,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN