Barbie Forteza feels more challenged acting in indie films: "Mas yun talaga ang napapansin ng kritiko."

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza admits feeling more challenged acting in indie films: "Nakaka-overwhelm, at saka nakaka-motivate na mag-indie. Kasi, obviously, mas yun talaga ang napapansin ng kritiko. Halos lahat po, e—yung Marikina, yung Tuos, yung Laut. Kaya parang mas nai-inspire akong gumawa ng mga indie films."


Kamakailan lang ay muli na namang napansin ang kakayahan ng Kapuso young actress na si Barbie Forteza sa nakaraang 19th Gawad Pasado Awards, kunsaan si Barbie ang hinirang na Pinakapasadong Katuwang na Aktres sa pelikula niyang Tuos.

Masaya si Barbie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng primetime series niyang Meant to Be noong May 5 sa isang bar sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Pag-amin niya, “Nakaka-overwhelm, at saka nakaka-motivate na mag-indie.

“Kasi, obviously, mas yun talaga ang napapansin ng kritiko.

“Halos lahat po, e—yung Marikina, yung Tuos, yung Laut.

“Kaya parang mas nai-inspire akong gumawa ng mga indie films.

“Hindi ko alam kung sa susunod na indie kung saan makakarating, yung ganun.”

Nakakuha na rin ng International Acting award si Barbie sa indie movie na Laut noong nakaraang taon sa 36th Fantasporto International Film Festival sa Portugal, kunsaan hinirang naman siya bilang Best Actress.

HONING HER EDGE. Sa hanay ng mga batang aktres ngayon, napakalaki na ng edge ni Barbie bilang isang aktres.

Marami siyang kasabayan o mas mga nauna pa sa kanya, pero masasabing hindi pa naaabot ang mga naabot niya sa career niya.

Nararamdaman ba niya yun?

“Siyempre, hindi naman po ako naïve para hindi maramdaman yun.

“Pero hindi naman para gawing big deal sa isip ko yun, na ipamukha ko sa lahat.

“Hindi naman na po kailangan yun.

“I mean, para sa akin, enough na achievement na sa akin na lang.

“Kung kilala man nila akong ganun, sa akin na lang,” nakangiti niyang sabi.

CROSSOVER ACTRESS. Si Barbie rin ang nakakagawa na tanggap siya sa mainstream o sa mga commercial shows niya, pero nakaka-crossover din siya sa mga “out-of-the-box” roles niya sa indie films.

Paano nga ba niya nagagawa yun?

“Kasi gusto ko po talaga ang ginagawa ko, gusto kong umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko palaging natsa-challenge ang sarili ko.

“Ayokong ma-typecast ako.

“Lalo na sa edad ko, sa age bracket, marami po talagang... well, aminin na po natin, marami akong kakumpetensiya.

“Nasa sa amin na po yun kung paano namin iibahin ang sarili namin sa iba.”

Saan siya mas nag-e-enjoy: yung kaseryosohan ng mga indie films o yung mga ginagawa niya sa telebisyon tulad ng Meant to Be at Sunday PinaSaya?

Lahad niya, “Actually po, lahat.

“Nae-enjoy ko po nang buo ang trabaho ko.

“Parang nae-explore ko ang lahat ng fields ng acting.

“Lahat ng klase na lahat sila nae-enjoy ko kasi, nasa-satisfy ko.”

PRIMETIME PRINCESS. Sa Kapuso network, siya talaga ang top, prime star among the actresses of her generation.

Kung may Reyna, siya ang puwedeng Prinsesa talaga.

Pagpapakumbaba niya, “Oo na hindi.

“Lahat naman po kami nabibigyan ng opportunities.

“Siguro, tiyempuhan lang talaga ‘yan.

“Feeling ko naman lahat naman kami magaling.

“Yun nga lang, natsa-tsambahan ko na okey ang materials na naipapabigay sa akin.

“Feeling ko naman lahat kami.

“Kasi, sino ba naman ang gustong mapahiya na hindi gagawin ang best nila sa lahat ng projects, di ba?

“So for sure, lahat kami magagaling.”

Feeling fulfilled na ba siya sa ngayon?

“Oo. Well, hindi naman fulfilled pero feeling ko, tama ang pinupuntahan ko.

“Gusto ko ang nangyayari sa akin.”

GOALS. Dalawampung taong gulang na si Barbie sa July at nagsimula siya sa showbiz noong 12 anyos pa lang siya.

Pero aminado itong marami pa rin naman siyang gustong gawin.

“Marami pa po, marami pa po akong gustong gawin.

“At kahit sabihin nating magtagal ako sa showbiz, hindi rin naman po para tumigil ako dahil pagod na ko.

“Gusto ko na kung titigil man ako o mag-retire man ako dahil lang fulfilled na ko.

“Hindi dahil sa pagod na ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN