Vice Ganda denies romantic relationship with Zanjoe Marudo: "Ay, hindi po. Pero bet ko siya."

IMAGE Glenn Regondola

Vice Ganda puts a stop to rumors linking him to actor Zanjoe Marudo—"hindi ako bet nun; bet ko lang siya"—and basketball player Kiefer Ravena—"Hindi siya yung bet ko, hindi rin ako bet nun."


Sa kabila ng pagkakaugnay ngayon ni  Vice Ganda sa tatlong lalaki—sina Axel Torres, Ervic Vijandre, at Anjo Damiles—hindi pa rin nawawala ang tsismis sa kanila ni Zanjoe Marudo.

Si Zanjoe ay sinasabing "ultimate crush" ng phenomenal box-office star.

Ilang beses na rin silang tinutukso sa isa't isa.

Halimbawa, nitong February ay nabanggit ni Vice na may ipapakilala siya sa kanyang Valentine concert sa Araneta Coliseum.

Hindi ito natupad, gayunpaman, nasa audience si Zanjoe.

Kaya marami ang humula na ang Kapamilya actor ang lalaking sinasabi ni Vice na matangkad, may teleserye sa primetime, at nagpapasaya sa kanya.

Pabirong pahayag nito tungkol dito, "E, kayo naman kasi, masyado kayong mapagpaniwala."

Ngunit sa post birthday celebration niya sa Marco Polo Ortigas, si Zanjoe ang special guest niya at may dala pa itong bulaklak.

Paliwanag naman ni Vice, "Actually, sa team ko galing ang bulaklak, pinaabot lang sa kanya.

"Galing sa Team Vice, and since sabay silang lumabas sa elevator, nakakatawa, kasi sabay silang dumating, tapos pinaabot sa kanya ang bulaklak.

"Ganun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-comedian sa "Chikahan With Vice Ganda" na ginanap sa Dencio's, sa Tomas Morato, Quezon City, noong Biyernes, May 5.

FLIRTING WITH ZANZOE. Dito ay diretsahang tinanong si Vice tungkol sa sinasabing ugnayan nila ni Zanjoe.

"Ay, hindi po,” mabilis niyang tugon. "Pero bet ko siya.

"Kagabi nga, nag-uusap kami sa Instagram stories, kasi meron siyang pinust na IG story, na yung standing picture sa Star Cinema ay katabi niya.

“Sabi ko, 'Akin na lang 'yan.'

“Sabi niya, 'Sige, nanakawin ko tapos ipapadala ko sa iyo, kaya lang masyadong malaki.'

"Sabi ko naman, 'Gusto ko yung mas maliit, yung totoo.'

“Sabi niya, 'E, kaya lang patanda na 'yan, e. Yung totoo.'

“Sabi ko, 'Okey lang naman, may wheelchair naman sa bahay namin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, 'So naka-wheelchair ako, ibig sabihin, yung kuwarto ko nasa baba.'

"Sabi ko, ‘Hindi, may elevator naman, dun ka pa rin sa master's bedroom. Ha-ha-ha!'

"Nilalandi ko lang siya, pero hindi ako bet nun. Bet ko lang siya."

SINCERELY HAPPY. Kasunod nito ay napag-usapan din ang tungkol sa tsismis sa kanila ng sikat na basketbolistang si Kiefer Ravena.

Ano ang totoo dito?

Medyo nagulat na reaksiyon ni Vice, "Ay, oo, hindi ko alam ang isyu diyan.

"Talagang magbarkada yun, hindi ko dyowa yun.

"Hindi siya yung bet ko, hindi rin ako bet nun."

Hindi man inaamin kung sino ang totoong boyfriend niya, pero aminado si Vice na masaya siya ngayon.

Saad niya, "Oo, masaya ako ngayon, sinserong masaya.

"Masaya ang kalooban ko, hindi ako stressed ngayon.

"Kaya nga nandito tayo, nagsi-celebrate tayo, masaya.

"Wala, wala kayong makukuha sa akin, dahil nakuha na niya!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN