LJ Reyes softens on Sen. Tito Sotto: "Nag-sorry naman siya."

IMAGE Rose Garcia

LJ Reyes on handling bashers sensibly: "We all have our freedom of speech. We have to be responsible for what we post. Kung nabasa ng iba at hindi sila sang-ayon, leave it at that. Hindi naman kailangan lagi mong sasagutin."

 


Isa si LJ Reyes sa mga artistang nag-react sa “na-ano lang” joke ni Senator Tito Sotto tungkol sa single mothers.

Sinabi ito ng senador sa hearing ng Commission of Appointments sa Senado para sa confirmation ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.

Sa pamamagitan naman ng social media ay naghayag si LJ ng kanyang saloobin tungkol sa biro ni Sotto.

Si LJ ay isa ring single mother bilang may anak siyang lalaki sa dating nobyo na si Paulo Avelino.

Kung sakaling makasalubong niya ang senador, ano ang magiging reaksiyon ni LJ?

Tugon ng Kapuso actress, “'Hello po...' Oo naman, siyempre respeto pa rin naman.  

“At saka wala naman akong personal na ano sa kanya, nag-sorry naman siya.

“Bakit naman hindi ka mag-a-accept ng sorry?

"At saka yung post ko naman… it’s not attacking him."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa taping ng afternoon drama series na D’Originals, sa GMA Annex Building, noong Sabado, May 6.

HURT BY "NA-ANO LANG" REMARK. Inamin ni LJ na nasaktan din siya sa “na-ano lang” na biro ng senador.

“Nakaka-hurt naman talaga kahit kanino.

"Pero ang sa akin, hindi naman alam lahat ng tao ang pinagdadaanan ng bawat isa.

“Hindi naman the same ang pinagdadaanan ko with other single moms.

“I just wanted to encourage everybody na kung anu’t anuman, tayo-tayo pa rin ang magtutulungan.

“If there’s something wrong, if you have a problem, meron din akong mga kaibigan na single moms… we support each other.

“Kasi siyempre, as single mom, meron talagang discrimination.

“Hindi mo naman puwedeng ikuwento sa lahat ang nangyayari sa buhay mo.

“That’s why I just wanted to express my support to all the single mothers.”


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him:
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him: "Relax lang."

REINING IN BASHERS. May mga umayon sa post ni LJ at mayroon ding nang-bash sa kanila ng boyfriend na si Paolo Contis, na nagbigay rin ng opinyon nito tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Paolo ay may dalawang anak na babae sa dati nitong asawa na si Lian Paz.

Saad ni LJ, “Marami kasing nang-away kay Pao ngayon sa Instagram account niya.

“Mga bashers na parang idinadamay pati personal life niya.

“Yung nangba-bash sa kanya, nang-bash din sa akin."

May isang netizen daw ang sinagot ni LJ sa Instagram.

Pero paglilinaw ng aktres, “Maayos naman ang pagkasagot ko sa kanya, sabi ko lang na… gusto ko lang suportahan ang lahat ng babaeng katulad ko, ganyan.

“And let’s just share love and happiness, no need for misaligned stories.

“Minsan kapag nadadala ng emotion ang followers, kung anu-ano rin ang nasasabi nila.

“Gusto ko lang din na ma-stop na.”

Tumigil naman daw ang netizen na nang-bash nang sumagot na siya.

May mga nagsasabing ang celebrity single mothers ay nakikisawsaw lang daw sa isyu at pinalaki lang ang statement ni Senator Sotto.

Ano ang masasabi ni LJ dito?

Aniya, “E, kasi it’s your page, e, di ba? We all have our freedom of speech naman.  

“Oo, we have to be responsible for what we post, but I don’t think naman na kailangan nilang awayin ang bawat isa na nag-post.

“Kasi, kung nabasa ng iba at hindi sila sang-ayon, leave it at that.

“Lahat naman tayo, araw-araw, may nababasa tayo, hindi naman kailangan lagi mong sasagutin.”

RELATIONSHIP ISSUE. Samantala, mukhang masaya at kuntento si LJ sa relasyon nila ngayon ni Paolo.

Pero kung sakali mang magkaroon sila ng issue in the future for whatever reason, iba na raw ang pananaw ni LJ pagdating sa relationship.

“Sa age ko, sa maturity ko, sa posisyon ko, sa estado ko ngayon sa buhay, parang mag-usap nga tayo!” natawang sabi ni LJ.

“Kasi kung hindi mo naman seseryosohin, huwag na lang.  

“Huwag mong sayangin ang oras ko kasi ang oras ko, para kay Aki yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Aki ang anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Sabi pa niya, “Nag-isip talaga ako…

"Siyempre mag-uusap pa rin kayo, pero ayoko talaga ng ganun.

"Hindi ko pa rin masabi, pero ngayon, sa panahong ito, parang ayoko na.

“Kung hindi para sa akin na meron akong maging kasama sa buhay, huwag na lang, may Aki naman ako.”

D’ORIGINALS. Pagdating naman sa kanyang career, nag-e-enjoy raw si LJ sa D’Originals, lalo na sa format ng teleserye nila.  

Pahayag ng aktres, “Feeling ko, very refreshing lang for audience na makakita ng dramedy sa hapon.  

“Palagi nga naming sinasabi, yung treatment ng show, parang Pinoy.

“Yung kahit na ang bigat na ng problema mo, nakakahanap ka pa rin ng dahilan na tumawa, ngumiti.

“Parang gusto lang din naming i-reflect yun.

"Pero siyempre, hindi rin naman yun parang all the way, ganun lang talaga.

“Magta-tackle din kami ng mga serious matters eventually.”

Nag-e-enjoy raw siya sa pagiging original wife ng karakter niyang si Marge Tolentino.

“Ang kulit kasi ng character, natutuwa ako.

“Hindi lang ako mukhang walking sari-sari store in real life, pero masayahin talaga ako.

“Tatawanan mo na lang ang mga bagay, mga buhay, yung ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN