Kim Chiu on ex-boyfriend Gerald Anderson: "Actually investment ko siya dati. Nalugi lang ako!"

IMAGE Screengrab from GGV

Kim Chiu on showering ex-boyfriend Gerald Anderson with expensive gifts in the past: "Grabe, di ba? Ano ba namang buhay 'to, o! Hahaha! Bakit ganun? Hahaha! Parang, oo nga no? 'Langya ka ha! Upakan kita diyan, e!


Inamin ni Kim Chiu na dinispatya niya lahat ng regalo ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson upang makalimutan ito.

Nagsimula ito nang sabihin ni Gerald, “Lahat ng ibinigay mo, nasa akin pa.”

Prangkang balik-sagot ni Kim, “Lahat ng ibinigay mo, wala na sa akin!”

Hirit ni Gerald, “Yun na nga, alam ko!”

Idinaan sa tawanan nina Kim at Gerald ang mga alaala nila kung gaano sila kagalante sa isa’t isa sa loob ng apat-na-taong relasyon nila noon.

Base ito sa panayam sa kanila ng comedian-TV host na si Vice Ganda sa May 7 episode ng Gandang Gabi Vice (GGV).

Sabi ni Kim, “Patas ang laban. Naglalabanan kasi kami ng regalo dati.”

Pinakabonggang regalo raw ni Gerald kay Kim ang isang pink Ford Lynx na koste noong 2008.

Ani Gerald, “Siyempre bagong artista kami nun. Hindi siya ganun kamahal.

“Basta naalala ko nung panahon na yun, debut mo nun.”


MORE GENEROUS. Kuwento pa ng 28-year-old actor, mas galante si Kim kaysa sa kanya.

Sa 21st birthday ng binata, hindi lang siya pinaghandaan ni Kim ng surprise party kundi binigyan din siya ng golf cart at Louis Vuitton bag.

Kaya pabirong inihalintulad ni Gerald si Kim sa pagiging galante ni Vice Ganda sa mga nagiging karelasyon ng huli.

Hirit ni Gerald, “It's a tie kayo!”

Natatawang buwelta ni Kim, “Huwag kang ano! Ikaw na nga binigyan, nagreklamo ka pa.” 

Memorable din daw kay Gerald ang natanggap niyang refrigerator mula kay Kim.

Biro naman ng 27-year-old actress, "Konti na lang, bahay na!"

Sagot ni Gerald, “Natsismis pa nga ako, pati bahay ko ibinigay niya sa akin!”

Ayon kay Gerald, niregaluhan din siya ni Kim ng 65-inch television at basketball shoes noon.

Sa puntong ito ay inamin ni Kim na may pagka-Vice Ganda nga siya pagdating sa pagiging galante sa karelasyon.

Sabi ng dalaga, “Kapag iniisip ko talaga, 'Bakit?' May mga bagay talagang pagsisisihan mo sa huli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero agad ding nilinaw ni Kim na wala siyang pinagsisihan sa mga ibinigay niyang regalo kay Gerald.

Lalo pa’t “normal” daw na iparamdam sa isang karelasyon kung gaano ito kaespesyal.

Nang tanungin ni Vice kung sino sa kanilang dalawa ang nagregalo ng cell phone, agad sinabi ni Kim na siya ang binigyan ni Gerald ng cell phone noon.

Pero pag-amin ni Gerald, nakatanggap siya ng Rolex watch mula kay Kim.

Kaya muling kunwari ay napaisip si Kim, “Grabe, di ba? Ano ba namang buhay ‘to, o! Hahaha!

“Bakit ganun? Hahaha!”

Sabay sabi ng dalaga kay Gerald, “Parang, oo nga, 'no? ‘Langya ka, ha! Upakan kita diyan, e!"

Sagot ni Gerald, “Ba’t mo ibinigay?”

Natatawang pag-amin ni Kim, “Wala, e, mahal [kita] dati!”

KIM'S INVESTMENT. Sa isang punto ng kanilang panayam, pabirong sinuma ni Kim kung anong kinahinatnan ng sobrang pagmamahal niya kay Gerald noon.

“Actually investment ko siya dati. Nalugi lang ako!"

Kung pagiging supportive girlfriend lang ang pag-uusapan ay si Kim daw ang tipo ng nagdadala ng tubig para sa basketball games ni Gerald noon.

Lahat ng ito ay tinatawanan na lang ni Kim ngayon.

"Pero at least, meron ako natutunan sa mga nangyari dati," sabi ni Kim, sabay nakipag-high five kay Gerald.

Patuloy ng dalaga, "Ganun talaga, may mga tanga moments ka.

"Tanga lang dahil nagmahal ka lang.

"Hindi ko naman pinagsisisihan ngayon. Experience in life!"

Ayon naman kay Gerald, aminado siyang mayroon din siyang pagkukulang kay Kim noon.

At kahit noong nagkahiwalay sila ay hindi raw agad nawala ang pagmamahal niya para sa dalaga.

Sabi ni Gerald, "Siguro yung romantic [love], kung paano mo siya tinitignan sa ganun, [nawawala].

"Pero yung care mo, siyempre kahit papaano nag-aalala ka pa rin. Ibang klaseng love."


Stories We Are Tracking

Kim reveals she hoped for reconciliation with Gerald
Kim reveals she hoped for reconciliation with Gerald


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN