Sancho delas Alas assures he has 'stepdad' Gerald Sibayan's back

IMAGE Noel Orsal

Sancho delas Alas on his mom Ai-Ai delas Alas's engagement to Gerald Sibayan: "Nakaka-inspire yun sa akin. Kumbaga, magiging solid na family na kami, e. Magkakaroon na ng partner in life si Mama. Inspirasyon yun sa akin kasi gusto ko ring magkaroon kami ng family na katulad ni Mama."


Masaya si Sancho delas Alas sa napipintong pagpapakasal ng kanyang ina na si Ai Ai delas Alas sa fiancé nitong si Gerald Sibayan.

Inamin ni Ai-Ai na una silang magpapakasal ni Gerald sa November sa Amerika, bukod pa sa kasalang magaganap sa Pilipinas sa susunod na taon.

Read: Ai-Ai delas Alas says "yes" to Gerald Sibayan's marriage proposal

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sancho sa red-carpet premiere ng pelikulang Our Mighty Yaya, na ginanap sa Cinema One ng SM Megamall, sa Mandaluyong City, kagabi, May 9, inihayag niya ang saloobin sa pagpapakasal ng ina.

Saad niya, “Siyempre, bilang eldest son, happy ako for that.

“Kasi boto ako sa kanila, e. Sobrang saya ko.

“At saka before pa mag-propose si Gerald kay Mama, nakita ko na yung ring, kaya sobrang happy at very excited ako for them.”

Naramdaman din daw ni Sancho ang sobrang kaligayahan ng ina nang maganap ang wedding proposal ng kanyang magiging stepfather.

“Iba, e. Kasi yun din ang dream namin para sa kanila, e.

“Siyempre nakasal na si Mama before, but now it's different.

“Iba talaga ngayon, kaya excited din ako.

“Super happy ako, at isa talaga ako sa nagpu-push niyan, e. Kaya laban lang.”

Dugtong pa ng panganay na anak ni Ai-Ai, “Nakaka-inspire yun sa akin.

“Kumbaga, magiging solid na family na kami, e.

“Magkakaroon na ng partner in life si Mama.

“Inspirasyon yun sa akin kasi gusto ko ring magkaroon kami ng family na katulad ni Mama."

Para kay Sancho, lahat ng bagay na nangyayari sa kanila bilang isang pamilya ay nasa tamang lugar.

“Oo nga, e. Parang sobrang ang dami-daming blessings na pumapasok

“Kumbaga, parang hindi na namin alam kung paano kami magpapasalamat sa Itaas. Alam mo yun?

“Kasi tuluy-tuloy ang blessings na ibinibigay, and never Niya kaming pinabayaan kahit may mag problem noong mga nakaraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SANCHO'S STEPFATHER. Ang isang bagay pa nga raw na ipinagpapasalamat ni Sancho ay ang magandang relasyon nila ni Gerald, na halos kasing-edad lang niya.

Saad ni Sancho, “Oo, yung parang magbarkada lang kami, at nakakapag-usap kami ng matagal palagi. Talagang close kami.

“Kapag may mga tanong siya kay Mama or anything na kailangan na niya ng back-up, nandun ako para mag-backup sa kanya.”

Sa puntong ito, inalam namin kung wini-wish pa rin ba niyang magkaroon ng kapatid galing kay Gerald.

Reaksiyon ni Sancho, “Ako naman, actually isa ako sa nagbigay ng idea to push through with it.

“Gusto ko kasi meron din silang sariling anak.

“Kumbaga, kung kaya pa, hangga't mas maaga, kung kaya pang magkaroon ng baby, go lang.

“Kasi baka magkaroon pa ng complications like, halimbawa ngayon, okey lang na walang baby, pero darating din yung time na hahanap-hanapin din nila.

“Kumbaga, sa amin... kasi nung una ang winu-worry ni Mama, na baka isipin namin yung hati sa mana or whatever.

“Sabi namin, 'Ma, wala naman yun.'

“Kumbaga, hindi importante yun sa amin, ang importante sa amin ay yung future niyo at ni Gerald.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN