Solenn Heussaff not yet ready to have a baby

IMAGE James Patrick Anarcon

Solenn Heussaff admits that she's not yet ready to have a baby, even if husband Nico Bolzico already wants one. She explained, "Pag lalaki, ready ka palagi, wala nangyayari, di ba? Kaming mga girls, lahat—body shape, tapos may body shaming, may breast sagging, tapos may menopause. Lahat sa girls!"


Hindi pa handang magkaanak ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff.

"No, ayoko pa for now," sabi niya.

Hindi ba siya minamadali ng asawa niyang si Nico Bolzico na magkaroon ng anak?

Natatawang sagot ni Solenn, "Gusto niya! Forever naman 'yan. But, katawan ko.

"Tapos pag ready na kaming dalawa. Siya ready.

"Pag lalaki, ready ka palagi, wala nangyayari, di ba?

"Kaming mga girls, lahat—body shape, tapos may body shaming, may breast sagging, tapos may menopause. Lahat sa girls!

"Yung mga boys, hmp, chill lang!"

Pero ayon sa 31-year-old actress-TV host, ayaw na rin niyang patagalin ang pagkakaroon ng baby.

"Not naman too late, but not anytime soon.

"I want to shoot at least one or two more movies, or one teleserye.

"Well, it depends what happens this year, baka two more teleseryes!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Solenn bago ang Encantadia thanksgiving concert, na ginanap sa Enchanted Kingdom noong Linggo, May 7.

RELATIONSHIP WITH NICO. Sa May 21 ay isang taon na mula nang ikasal sina Solenn at Nico sa Combourg, France.


Stories We Are Tracking

Solenn Heussaff in her Lihi Hod bridal dress
Solenn Heussaff in her Lihi Hod bridal dress
Couples spotted at Solenn Heussaff-Nico Bolzico wedding
Couples spotted at Solenn Heussaff-Nico Bolzico wedding
Solenn Heussaff-Nico Bolzico wedding weekend in videos!
Solenn Heussaff-Nico Bolzico wedding weekend in videos!
LOOK Solenn Heussaff's wedding rings
LOOK Solenn Heussaff's wedding rings

Nang kinumusta ang kanilang pagsasama matapos ang isang taon, pabirong sagot ni Solenn, "Di ko alam, married pala ako!"

Paliwanag niya, pagkatapos kasi ng kasal ay sinimulan niya ang Encantadia, na magtatapos na ngayong May 19.

Sa Encantadia ay gumaganap si Solenn bilang Cassiopea, ang sinaunang reyna ng mga diwata.

Paliwanag niya, "Kasi noong nag-shoot ako, two days before akong umalis for my wedding.

"Tapos one year na, matatapos na, di ko pa nararamdaman na may asawa na ako.

"Yeah, one year na sa May 21."

Hindi ba siya nagsisisi na mas pinipili niyang i-prioritize ang kanyang showbiz career kesa sa buhay may-asawa?

Sagot ng Taste Buddies host, "Okay lang, for the rest of my life pa 'yan.

"Showbiz is not for the rest of my life, but marriage is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami siyang ginagawa, ako din.

"Minsan nasa bahay ako, andoon din siya. Chill lang.

"We're like friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN