Mocha Uson vows to stop 'fake news' media; Duterte defends her appointment

IMAGE Facebook photos of Mocha Uson

President Rodrigo Duterte on Mocha Uson: "You can listen to her, you can debate with her. Tingnan mo ang Facebook, she has a very structured mind. So, what's the problem?"


Sa pag-upo ni Mocha Uson bilang bagong assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operation Office (PCOO), hangarin niyang mahinto ang 'fake news' mula sa mainstream media.

Sa kanyang Facebook post kaninang umaga, May 10, sinabi ng dating sexy dancer-singer na gagamitin niya ang bagong posisyon sa gobyerno upang maibigay ang “tamang balita” tungkol sa administrasyon sa pamamagitan ng social media.

“Ang ating pong tututukan sa PCOO ay ang mailapit ang mga ordinaryong Pilipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Social Media.

“At ma-idiretso ang TAMANG BALITA sa ating kababayan sa pamamagitan ng SOCIAL MEDIA,” pahayag ni Mocha.

Nanawagan din si Mocha sa mga katulad niyang matinding supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tulungang magampanan ang kanyang bagong tungkulin sa gobyerno.

“Samahan po niyo ako mga kaDDS. Panahon na na hindi na tayo umasa sa mga MALING BALITA ng ilang mainstream media at ating palakasin ang SOCIAL MEDIA sa tulong niyo mga tunay na DDS.

“DAHIL TAYO ANG MEDIA NI TATAY DIGONG.”

Noon pa man, mariin nang tinutuligsa ni Mocha ang anumang negatibong balita tungkol sa administrasyong Duterte na inilalabas ng mainstream media.

Sa katunayan, ilang beses na rin niyang binansagan ang mainstream media bilang “presstitute.”


Stories We Are Tracking

Mocha Uson ignores attacks on her new appointment
Mocha Uson ignores attacks on her new appointment

STRUCTURED MIND. Samantala, inamin ni Pangulong Duterte na siya mismo ang nagtalaga kay Mocha sa bago nitong posisyon sa gobyerno.

Ito ay dahil sa utang ng loob niya sa dating lider ng all-female group na Mocha Girls, kasama ang mga iba pang tagasuporta niya noong 2016 elections.

“Utang ng loob ko 'yan sa kanila because they offered their services for free, at the time na wala akong pera, because they believe in me.

“Now, it's my time to believe in them,” pahayag ni Pangulong Duterte sa ginanap na press conference sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw.

Umalis ng bansa ang Pangulo para sa official visits niya sa China at Cambodia, at sa working visit niya sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol din ni Duterte si Mocha laban sa mga kritiko.

Aniya, “There's nothing wrong with the woman or the girl. She's bright, she's articulate.

“If it's a matter of dancing, she was not dancing naked.

"She was with me during the campaign. [She's] a little bit sexier than the other.

“But that does not prevent anybody to deprive her of the honors that she deserves.

“It's just a matter of intellect. 'Yang pagsasayaw niya, hanapbuhay 'yan, e.

“There's no law which says that if you expose half of your body, with shorts and a bra, you're disqualified to being the president of the Philippines.”

Sabi pa ng Pangulo, patunay ang Facebook posts ni Mocha na kaya nitong gampanan ang bagong tungkulin.

“You can listen to her, you can debate with her.

“Tingnan mo ang Facebook, she has a very structured mind. So, what's the problem?”

Dahil sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno, matatanggal na si Mocha bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Itinalaga siya bilang MTRCB board member noong January 2016.

Opisyal namang inihayag ang bagong appointment niya kahapon, May 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN