KC Concepcion tells netizen to respect closeness with stepdad Sen. Kiko Pangilinan

IMAGE Instagram @itskcconcepcion

KC Concepction's message to netizen questioning her father-daughter bonding with Senator Kiko Pangilinan: "@princesskat_tee Please respect my relationship with my stepdad who raised me since I was 12 AND my papa who I also have a relationship with."


Hindi pinalampas ni KC Concepcion ang pagkuwestiyon ng isang netizen sa magandang relasyon nila ng kanyang stepdad na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Kaugnay ito ng ibinahagi ni KC na larawan nila ni Kiko, na kuha sa dinner date nila sa isang luxury hotel restaurant sa Makati City, kagabi, May 9.

Sa comments thread ng Instagram post, pinuna ng isang netizen ang isang fan na natuwa sa father-daughter bonding nina KC at Senator Kiko.

Sabi ng netizen, “father-daughter? totoo?”

Depensa ng fan, “mas totoo naman ang pagmamahal khit d xa ang tunay na dad..okayna??”



Nasundan ito ng komento ng netizen na si Gabby Concepcion ang biological dad ni KC.

Sabi ni @princesskat_tee, “ahhh.. father-daughter kase sabi mo eh ???? kala ko kase kaya maganda si KC dahil si Gabby TATAY nya”

Sinagot ni KC ang netizen upang linawin na noon pa man ay malapit siya kay Senator Kiko, lalo pa't tumayo itong loving at supportive dad sa dalaga.

Pahayag ng 32-year-old actress/TV host, “@princesskat_tee Please respect my relationship with my stepdad who raised me since I was 12 AND my papa who I also have a relationship with.

“There's no room for negativity here.”

Sa mismong caption ng kanyang Instagram post, sinabi ni KC na na-enjoy niya nang husto ang “dinner date” nila ng stepdad niya.

“I almost forgot how it feels to simply be a daughter again.

“Adulting sure gets SO real ???? Thankful for family. #KCLovesFamily”

Ang ina ni KC ni Sharon ay kasalukuyang solong nagbabakasyon sa ibang bansa.


Stories We Are Tracking

Why doesn't Sharon Cuneta want to come home yet?
Why doesn't Sharon Cuneta want to come home yet?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN