Is Ai-Ai delas Alas considering a return to ABS-CBN?

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai deals Alas feels blessed in all aspects of her life now and thankful for having a lucky charm in the person of her fiancé Gerald Sibayan. "Siguro meron akong ginagawang maganda and siguro rin magaan kasama si Gerald. Merong ganun, e, merong magaan, merong suwerte. At saka wala naman akong sinasagasaang tao, so positive lahat." 


Totoo nga bang magbabalik-Kapamilya si Ai-Ai delas Alas?

Kailan lang kasi ay nag-guest siya sa isang ABS-CBN show.
 
Pero paglilinaw ng comedienne-actress, “Ay, guesting ko lang yun, promo lang.

“Pinayagan naman ako ng ABS na mag-guest, pinayagan din ako ng GMA.”
 
Wala pa raw silang napag-uusapan ng ABS-CBN, at kung sakali man ay bahala na ang manager niyang si Boy Abunda.
 
Sabi ni Ai-Ai, “Wala pa naman, wala pa naman.

“Ayoko namang magsalita. Siguro later on, bahala na si Boy.”
 
Pero pag-amin ng Our Mighty Yaya star, “Na-miss ko ang hallway na nilalakaran mo nang mahaba at saka yung Starbucks. 

“Tambay ako dun, doon ako nakaupo palagi.”

BEST ACTRESS AWARDS. Nakadalawang acting awards na si Ai-Ai mula sa film festivals abroad para sa pagganap niya sa indie film na Area.

Ang latest ay mula sa Asean International Film Festival & Awards na ginanap na sa Kuching, Malaysia.

Masayang pagbabalita niya, “Pangalawa po, isa sa New York at ito sa Asia.

“Nalaman ko lang din nang mag-text si Bayani San Diego sa akin na nanalo raw ako, parang naka-live feed siya, e.”

Hindi pa raw natatanggap nang personal ni Ai-Ai ang tropeyo niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng premiere ng Our Mighty Yaya, sa SM Megamall noong Lunes, May 8.

Saad niya, “Wala pa sa akin, pero pinakuha ko na.

“Siyempre natuwa at na-shock ako at the same time.

“Akala ko may time difference. Sabi ko, 'Ten o’ clock na, hindi pa rin nagti-text. Siguro talo ako.'

“Yun pala, 10:30.”

Hindi raw siya umasang mananalo dahil ayaw niyang masaktan kung sakali.

“Ayokong mag-expect dahil siyempre, kapag hindi ka nanalo, masakit pa rin yun.

“Kaya huwag ka na lang mag-expect. Yung ma-nominate ka, okey na yun sa akin.

“Dito rin kasi, ako lang yung only Filipino.”

Ang mga nakalaban niyang aktres ay sina Pham Thi Hong Anh (Vietnam), Subenja Pongkorn (Laos), Ponco Sutiyem (Indonesia), at Cut Mini Theo (Indonesia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw talaga sa plano ni Ai-Ai na dumalo sa festival at awards night dahil hindi kakayanin ng schedule niya.
 
“Hindi talaga ako pupunta kasi may promo ako at may taping ako ng Wowowin at may Sunday PinaSaya.

“Okey lang kasi kapag pumupunta naman ako, hindi ako nananalo!” natawang sabi niya.

LUCKY CHARM. Maganda ang mga nangyayari sa buhay ni Ai-Ai ngayon—mapa-personal o propesyunal man.

Nakangiting pagsang-ayon ni Ai-Ai, “Oo nga, e, God is good. Praise God, every time.

“Sabi ko sa Kanya, ‘Thank you, Lord, sa lahat ng biyayang ibinibigay Mo sa akin.

“Lahat ibinalik Mo sa akin. Thank you, Lord.’”

Itinuturing din daw niyang lucky charm ang kanyang fiancé na si Gerald Sibayan.

Saad ni Ai-Ai, “Siguro meron akong ginagawang maganda and siguro rin magaan kasama si Gerald.

“Merong ganun, e, merong magaan, merong suwerte.

“At saka wala naman akong sinasagasaang tao, so positive lahat.”

Sa kabilang banda, pinuri ni Ai-Ai ang pagganap ni Megan Young bilang stepmother ng mga alaga niyang bata sa Our Mighty Yaya.

Aniya, “Magaling siya dun, nakakainis siya na nakakaawa nung bandang huli.

“Pero maiinis ka sa kanya kapag pinapanood mo siya.”

Ayon kay Ai-Ai, isa ang Our Mighty Yaya sa mga paboritong pelikula niya.

“Feel-good movie na pampamilya, first time kong napanood at maganda siya.

“Hindi siya pinipilit na magpatawa, e, hindi ka rin niya pinipilit na umiyak.

“Parang normal na mararamdaman mo na ‘Ay, nakakaiyak. Nakakatawa.’

“Yung ganun, hindi hard sell.

“Naiyak ako, ang yaya ko, umiiyak; yung daughter-in-law ko, umiiyak din.”

Sa ngayon, may naka-lineup na raw siyang indie movie para sa Cinemalaya 2018.

Gagawa rin daw siya ng isa pang comedy film kasama si Zsa Zsa Padilla, ang Best of the Best para sa Cine Ko Films, na may temang women empowerment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN