Katrina "Suklay Diva" Velarde opens up about battle with Bell's palsy

IMAGE Courtesy of Wish 107.5 Instagram

As the family breadwinner, Katrina Velarde can't afford to get sick. Stricken by Bell's Palsy, she simply forged on. "Nanghihina ako, namatay yung nerves ko sa mukha. Habang buntis ako, nagsu-show pa ako," she relates how she coped with sickness and work at the same time.


Ngayon pa lang unti-unting nakaka-recover sa kanyang karamdaman ang YouTube sensation at tinaguriang "Suklay Diva" na si Katrina Velarde.

Ibinahagi ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang karanasan sa sakit na Bell’s palsy habang patuloy niyang sinusuportahan ang pamilya.

Ang Bell's palsy, ayon sa webmd.com, "is a paralysis or weakness of the muscles on one side of your face. Damage to the facial nerve that controls muscles on one side of the face causes that side of your face to droop."

Ayon sa singer, sumulpot ang nasabing karamdaman noong eight months pregnant siya.

Kuwento ni Katrina, “Na-paralyze yung kalahati ng mukha ko, nagkaroon ako ng Bell’s palsy sa pagbubuntis.

“Nakuha ng baby sa tiyan ko lahat ng vitamins ko sa katawan.

“Nanghihina ako, namatay yung nerves ko sa mukha.

“Habang buntis ako, nagsu-show pa ako, buma-backup pa ako kay Tito Gary [Valenciano]... seven months, ang laki na ng tiyan ko. 

“Nag-stop lang ako nong na-paralyze, as in, literal. 

“Kumakain ako, tumutulo yung ano... manhid yung half ng dila ko.

“Nahirapan ako. Gumaling naman siya nung nakapanganak na ako."

Patuloy niya, “Nagri-recover pa rin ako, hindi pa one-hundred percent magaling… tabingi pa siya pag kumakanta ako… kapag nagsasalita ako.

“Etong left ng mukha ko ang nagpa-function nang maayos. 

“'Kala ko hindi ako makakabalik sa kumanta noon, na-stress ako nang bonggang-bongga. 

“Pero after two months, naglakas-loob ako, tumanggap ako ng ASAP Chillout

“Yun ang unang balik ko, ang taba-taba ko pa noon, tabingi pa yung mukha ko.”

One year old na rin daw ang kanyang baby na nag-birthday nitong April 6.

KATRINA'S SINGING CAREER. Matapos maging viral ang videos niya sa YouTube, naging grand finalist si Katrina sa X-Factor Philippines nong 2013 bilang bahagi ng grupong AKA Jam.

Nasubukan ding maging artista ni Katrina sa ilang TV series ng TV5, kabilang na ang Trenderas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Bago ako napunta sa TV5, meron din akong grupo called New Born Divas. 

“Nag-hall of famer kami ng Talentadong Pinoy.

"After kong mag-X-Factor, madali nila akong nakuha. Kasi nga, nag-Talentadong Pinoy ako before. 

"Tapos pinaarte nila ako, pero musical pa rin naman, yung Trenderas.

“Magpu-four years na ako sa showbiz.”

Nakausap ng PEP si Katrina sa press conference ni Gary Valenciano para sa last leg ng series of shows niyang Gary V. Presents na magaganap simula bukas, May 12, sa Solaire Teatre.

Isa si Katrina sa special guests ni Gary sa concert.

Dahil madalas na rin siyang isama ng livewire performer sa mga shows nito, kampante na raw si Katrina.

Pahayag niya, “Sanay na ako. Kasi yung knowledge rin ni Tito [Gary] naipapasa niya sa akin.

“Nakikita ko rin naman sa kanya, so kering-keri ko na.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN