My Love From The Star's Gil Cuerva takes a break from Twitter to avoid bashers

IMAGE Noel Orsal

Naka-focus daw ngayon ang baguhang aktor na si Gil Cuerva sa My Love From The Star, kaya minabuti niyang hindi muna maging aktibo sa social media, lalo na sa Twitter, kung saan marami siyang nakabangga sa pakikipagpalitan ng opinyon. 


Hindi na aktibo ngayon sa Twitter ang model-turned-actor na si Gil Cuerva.

Noong hindi pa siya nag-aartista, palaban daw sa Twitter si Gil kaya madalas siyang nagkakaroon ng kaaway online.

Lalo na nang nag-tweet siya tungkol kay Taylor Swift noong July 2016, kung saan sinabi ni Gil na hindi niya idi-date ang American singer.

Isa pa ay ang pagiging kritiko niya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, maraming tagasuporta ni Duterte ang nang-bash sa kanya.

Simula noon, nag-private na si Gil ng kanyang account at bina-block na niya ang bashers.

Saad ng My Love From The Star actor, “I’m really active on Twitter before.

"But for now, I’m focusing on my acting.

“In Twitter, there’s a lot of negative news coming up. And I’ve decided, I want to block up anything that was negative.

“Just focus on becoming a better, not good, but better actor. Just focus on the work first.

"And, later on… but right now, siyempre habang hindi pa lumalabas yung My Love From The Star, I want to put all of my focus on the show."

Dati raw ay palaban siya sa bashers, pero ngayon ay dini-deadma na lang niya ang mga ito.

Ayon sa 21-year-old newbie actor, “I learned from my mistakes.

"You know, before, I let my emotions... I was swayed by my emotions.

“I let my emotions get the better of me.

"The process…. I started replying to people who started bashing and hating on me without thinking that the more… I was feeding into the hate…

"I guess that’s the reason also I took a break from Twitter, so I could really learn how to control myself."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gil sa pocket presscon ng My Love From The Star sa Relish Restaurant, sa may Quezon City, kahapon, May 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING PERSONAL LIFE PRIVATE. Sa nalalapit na pagpapalabas ng Pinoy adaptation ng My Love From The Star, unti-unti na ring matatambad sa publiko ang personal na buhay ni Gil.

Pero para sa baguhang aktor, mas gusto niyang manatiling pribado ang kanyang personal na buhay.

“I promised my parents, at least my parents, to keep them completely out of it, out of showbiz.

“No interviews, no nothing.

"My brother and sister, maybe. Somewhere down the line, if they are to be interviewed…

"But my parents, my promise before entering showbiz was they would have zero involvement, you know, in showbiz.”

Hindi naman sinagot ni Gil ang tanong tungkol sa kanyang love life.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN