Jennylyn Mercado on living with biological dad: "Hindi naman kami naiilang."

IMAGE Noel Orsal

Pinagtatawanan lamang ni Jennylyn Mercado, 30, ang agwat ng edad nila ng kanyang bagong leading man Gil Cuerva, 21. Sabi niya, "Hindi naman ako singkuwenta."


Pagkatapos ng ilang taong pagkawalay, kapiling na ngayon ni Jennylyn Mercado ang biological father na si Noli Pineda sa bahay ng aktres sa Quezon City.

Kinumbinsi raw niya ang ama, na nakabase noon sa South Korea, na samahan siya sa Pilipinas dahil sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother na si Lydia Mercado noong October 2016.

Kuwento ni Jennylyn, “Kasi noong New Year… lagi kaming nagpi-Facetime ni Papa.

“So, noong New Year, kinausap ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Pa, wala na akong kasama dito. Ako na lang mag-isa.'

“So, ang hirap talaga nang mag-isa ka lang, lalo na at lumalaki si Jazz na lagi akong wala sa bahay, lagi pa akong nasa trabaho

"Parang hindi ako makampante na wala [na] rin yung mommy ko.

“So, sabi ko sa tatay ko, 'Baka puwedeng samahan mo na lang ako dito, kasi ang hirap na wala akong kamag-anak.'

“Kasi wala naman akong kapatid, wala naman akong mga tito at tita dito, o kahit mga malalayong relatives. Wala talaga.

“Kinausap ko siya na baka puwedeng samahan niya ako dito, at pumayag naman siya."

ADJUSTMENT. Huling nakasama ni Jennylyn ang ama bago pa niya isilang si Alex Jazz, anak ng aktres kay Patrick Garcia, halos sampung taon na ang nakararaan.

Nagkaroon ba ng adjustment sa kanilang dalawa dahil sa tagal nilang hindi nagkita?

Ayon sa Kapuso star, “Yung father ko naman, napakabait na tao, kaya hindi ko naman masyadong nararamdaman yung pag-a-adjust dahil nga buong buhay ko, hindi ko rin siya kasama, e.

“Ngayon lang talaga nagkaroon ng chance na tumira [kami] sa isang bahay.

“So, ini-expect ko nga, ina-anticipate ko na magkaroon ng kaunting adjustment.

"Pero wala naman, parang comfortable naman kami na magkasama.

"Hindi naman kami naiilang [sa isa’t isa]."

Ayon pa kay Jennylyn, hindi artista ang tingin sa kanya ng ama kundi normal na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw ito nakakapanood pa ng kanyang mga palabas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa pocket presscon ng upcoming teleserye niya sa GMA-7, ang My Love From The Star, na ginanap sa Relish Restaurant, sa may Quezon City, kahapon, May 10.

NOT TOO OLD. Sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na My Love From The Star, makakatambal ni Jennylyn, 30, ang newcomer na si Gil Cuerva, 21.


Stories We Are Tracking

Gil Cuerva takes a break from Twitter to avoid bashers
Gil Cuerva takes a break from Twitter to avoid bashers

Hindi naman daw siya nahirapan na mas bata ng siyam na taon ang bago niyang kapareha.

Natatawang sabi ni Jennylyn, “Hindi naman ako singkuwenta.

"Halos ano pa rin naman... hindi naman nagkakalayo yung mga gusto naming gawin, yung mga hilig namin.

"Nagso-social media rin ako katulad ng mga nakakabatang generation. Hindi naman masyadong malayo yung gap.”

Dagdag pa niya, “Madali pa ring sakyan yung mga gusto niya at nasasakyan pa rin niya yung mga gusto ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN