Barbie Forteza appreciates mom's intuitive concern: "Alam niya ang nararamdaman ko."

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza appreciates her mom's intuitive sense of concern and understanding: "Kahit hindi ako nagkukuwento sa kanya, alam niya ang nangyayari sa akin. Alam niya ang nararamdaman ko—ke masaya, ke hindi. Tapos, hindi namin kailangang pag-usapan yun."

 


"Kalma tayo," ang natatawang sagot ng Kapuso young actress na si Barbie Forteza nang hingan ito ng mensahe para sa kanyang ina ngayong Mother's Day.

"Yun ang sinabi, 'kalma tayo.'

Biglang seryosong bawi niya, “Hindi, ano lang... nagpapasalamat ako sa kanya, kasi hindi naman lahat ng nanay kasing understanding niya, kasing cool niya.

"May mga moments na kahit hindi siya agree sa desisyon ko, sinusuportahan na lang niya ako.

“Tapos, pinapayuhan niya rin ako once in a while.

“Kung ano rin ang gusto ko, yun din ang gagawin ko.

"Napaka-supportive niya kahit ayaw niya or gusto niya ng gagawin ko.

“Tapos, napaka-metikuloso pagdating sa akin... na minsan kinaiinis ko, pero madalas, naa-appreciate ko."

Sabi pa ni Barbie, "Kahit na itinatanggi ko, importante pa rin ang payo ng parents.

“Kahit na ayoko siyang tanungin tungkol sa isang bagay, kahit na ayoko siyang hingian ng payo, tatanungin at tatanungin ko siya.

"Gusto ko palaging aware ang both parents kung ano ang gagawin ko.

“Kaya talagang malaking bagay sa akin ang parents."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa taping ng kanyang top-rating primetime series na Meant To Be noong May 5 sa isang bar sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

OPEN COMMUNICATION. Malapit daw si Barbie sa kanyang Mommy Amy Forteza.

"Ay, sobra!" mabilis niyang sagot.

"To the point na kahit hindi ako nagkukuwento sa kanya, alam niya ang nangyayari sa akin.

“Alam niya ang nararamdaman ko—ke masaya, ke hindi.

"Tapos, hindi namin kailangang pag-usapan yun.

“Dadalhin niya ako agad sa favorite kong kainan.

“Ako kasi talaga, kain talaga 'ko.

“Kaya kapag kunwari, minsan gusto kong pag-usapan, minsan hindi, hindi niya ko pinipilit."

Open daw ang komunikasyon nilang mag-ina at siya ang klase ng anak na halos lahat ay sinasabi niya sa kanyang ina.

"Very, very open," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na kung may nagugustuhan siyang guy?

"Yes, yes," lahad niya.

"Mas gusto niya na nagsasabi ako sa kanya kesa naglilihim ako."

OVERPROTECTIVE? Nagsisimula pa lang si Barbie sa showbiz, madalas na nakikitang kasama niya palagi ang kanyang mga magulang sa halos lahat ng trabaho niya.

May pagkakataon din ba na pakiramdam niya, parang nasasakal na siya?

"Hindi naman po nasasakal.

“Wala lang... parang feeling ko lang, overprotective sila.

“Pero later on, nari-realize ko naman kung bakit at tama lang din naman."

Dugtong pa niya, "Siyempre, hindi niyo rin po ako masisisi.

“Teenager rin ako at siyempre, may time na makukulitan din ako sa parents ko.

“Pero hindi naman yung parang maglalayas ako."

NO PLANS OF GOING SOLO. Naisip na ba niyang humiwalay ng tirahan sa mga magulang?

"Hindi po e, hindi ko talaga kakayanin," pag-amin niya.

"Kung magsosolo man ako, siguro sasama ko sa Ate ko sa America.

"Pero kung sasabihin ko na iiwan ko ang family ko... e, kaya nga po nag-iipon ako, kaya ako nagta-trabaho.

"Isang dahilan, para maibahay ko ang pamilya ko.

“So bakit ko sila iiwan? E, aalagaan ko nga sila, di ba?"

BEST ADVICE FROM MOM. Bilang isang anak, ano ang hindi niya kinakalimutang payo sa kanya ng nanay niya?

“Huwag akong mali-late!

“At huwag akong kakain,” natawang sabi niya.

“Bet na bet akong pag-dietin ng nanay ko na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN