Bianca Umali visits mom's grave every Mother's Day: "Gusto kong sabihin sa kanya na nami-miss ko siya."

IMAGE Noel Orsal

Despite losing both her parents at an early age, Bianca Umali moved on and emerged as a stronger person: "I didn't have the choice but to learn things alone. Kinailangan ko po talagang magsumikap mag-isa dahil ganun po siya, yun ang nangyari. But then, I think, may purpose naman po si Lord."


Limang taon pa lang ang Kapuso star na si Bianca Umali nang maulila siya sa kanyang ina.

Pero kahit na maaga siyan nawalan ng nanay, may mga alaala na raw siya ng ina na si May Soler.

Ayon kay Bianca, "May mga memories na po ako, pero hindi po ganun kadami compared to my daddy.

“Kasi, mas matagal ko pong nakasama ang daddy ko.

"Ten years old na po ako nang mamatay naman ang daddy ko."

GROWING UP ALONE. Labing-pitong taong gulang na si Bianca ngayon.

Aminado itong hindi madali para sa kanya na mawalan ng ina at ama sa murang edad.

Pag-amin niya, "It wasn't easy po.

"Growing-up without both parents, hindi po talaga madali.

“Kasi, nakikita mo sa mga kasama mo, sila may kasama silang mga magulang.

"Sila, lahat ng magagandang nangyayari sa buhay nila, kasama nila ang mga magulang nila.

“But then, yung nangyari po kasi sa akin, it's the opposite.

"I didn't have the choice but to learn things alone.

“Kinailangan ko po talagang magsumikap mag-isa dahil ganun po siya, yun ang nangyari.

"But then, I think, may purpose naman po si Lord."

MISSING HER PARENTS' LOVE. Ang pagmamahal na nagmumula sa isang ina raw ang pinaka-nami-miss ni Bianca.

Aniya, "Yung love, actually yun po ang nami-miss ko sa dalawa, sa mommy at sa daddy.

“Yung love na nararamdaman mo from your parents.

“Kasi, iba po talaga ang pagmamahal nila.

"Ako, love ng lola meron ako.

“Pero iba pa rin kapag galing sa pamilya."

QUESTIONS. Kahit matagal nang namayapa ang mga magulang ni Bianca, may mga pagkakataon na umiiyak pa rin daw siya kapag naaalala niya ang mga ito.

Ayon kay Bianca, "Of course, hindi naman po mawawala yun."

Nagkaroon ba siya ng tanong kung bakit maagang nawala ang mga magulang?

Lahad niya, "Once in a while po, opo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, lalo na po nung bago.

“Talagang may questioning na naganap.

“Pero, I just went with the flow.

“Mas pinili ko pong intindihin, mas pinili ko pong mag-move-on, kesa magmukmok lang po na walang nangyayari."

TRADITION. Tuwing Mother's Day, dinadalaw daw niya ang puntod ng ina.

Tinanong nga namin siya kung ano ang laman ng mensahe niya rito.

"Naku, mahabang-mahaba.

“Gusto kong sabihin sa kanya na nami-miss ko siya.

“Kahit na five years ko lang siyang nakasama, iba pa rin ang love ko sa kanya at walang papalit sa kanya bilang mommy ko," deklara niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa Enchanted Kingdom noong May 7, kunsaan ginanap ang thanksgiving ng Encantadia at launching ng Mulawin vs. Ravena kunsaan si Bianca ang gaganap bilang si Lawiswis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN