Sen. Kiko Pangilinan posts message of support for wife Sharon Cuneta

IMAGE Instagram (@reallysharoncuneta)

Senator Kiko Pangilinan posts a message of love and support to wife Sharon Cuneta, who is now going through a personal crisis. 


Mensahe ng pagsuporta at pagmamahal ang ipinahayag ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa asawang si Sharon Cuneta, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika nang mag-isa.

Kasabay ng pagbati sa Megastar para sa Mother’s Day nitong Linggo, May 14, ipinahayag ng senador na hindi man niya malunasan ang mga problema ng asawa, ipinahayag nitong handa siyang damayan si Sharon sa lahat ng oras.

“Know that as you go through your own journey in life I will be here beside you and even if I may not be able to solve a number of problems you face, my shoulders will always be here for you to lean on and my arms will always be available for big hugs should you feel the need for them. Always,” bahagi ng Instagram post ni Senator Kiko.

Pinasalamatan din ng senador si Sharon, na tinawag niyang “partner, best friend, the only woman I have and will love with all my heart and all my soul.”

Mensahe pa ni Senator Kiko: “Happy Mother's day to my partner, my best friend, the only woman I have and will love with all my heart and all my soul. Without you I would not be the father i am to our precious children and for this I will forever be thankful.”

Nito ring Linggo ay isang mahabang mensahe ang ipinost ni Sharon sa Facebook at ibinunyag ang dahilan ng kanyang pag-alis.

Ito ay para magpahinga dahil sa “too much pain and fatigue.” 

Dumaan din sa isyu kamakailan ang mag-asawa pagkatapos kumalat sa social media ang pekeng larawan nina Senator Kiko at Senator Pia Hontiveros na nagho-holding hands.

Ipinagtanggol ni Sharon ang mister at sinabing walang katotohanan ang nasabing larawan.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.
Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN