Paolo Ballesteros keeps up guessing game about rumored relationship with dancer

IMAGE Instagram photo of Roland Anog

Paolo Ballesteros keeps up the guessing game about his rumored relationship with the dancer Roland Anog. He has just posted what seems to be another monthsary photo, is he inching towards the big reveal?


Tila mas bukas na ngayon ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa pagpu-post ng larawan niya kasama ang hinihinalang boyfriend, ang dancer na si Raymond Anog.

Kahapon, May 14, isang pahiwatig na naman ng selebrasyon ng kanilang monthsary ang ipinost ni Paolo sa Instagram.

Makikita rito ang dalawang magkahawak na kamay na may matching tattoos, at ang tanging caption nito ay “3rd” na may heart at rainbow emojis.

3rd. ??????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Bagamat wala pang anumang tuwirang pahayag si Paolo tungkol sa relasyon nila ni Roland, tuloy naman ang mensahe ng kanyang fans para sa hinihinalang pagkakaroon niya ng love life.


Nagsimula ito noong nakaraang buwan nang mapabalita ang hinihinalang selebrasyon nina Paolo at Raymond ng kanilang second monthsary.

Sa larawang ibinihagi ni Paolo, makikita ang magkahawak na mga kamay na may matching Cartier rings at ang katagang “2nd” sa caption niya na budbod ng heart at rainbow emojis.

2nd. ??????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Naisip ng followers ni Paolo na isa itong monthsary post ng rumored couple, base na rin sa naunang larawan na ipinost ng actor-TV host noong March na may matching tattoos — “II-XVII-XVII” o “2-17-17” — at may caption na “1”.

Budbud din ito ng heart, at rainbow emojis.

1♥?????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

WHO IS ROLAND ANOG? Tikom man ang bibig ni Paolo tungkol sa katauhan ni Roland, makikita naman sa Facebook account niya na matagal-tagal na ring magkakilala ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?

Sa kanyang Facebook profile, nagpakilala si Roland bilang isang "dancer/photographer."

Sa kanyang posts, makikita ang isa niyang larawan ng G-Force dancers. Ngunit hindi malinaw kung parte pa rin siya ng kilalang dance group.

Makikita rin na suportado ni Roland ang nakaraang pelikula ni Paolo na Die Beautiful.

Sa naturang pelikula nakamit ni Paolo ang kanyang dalawang acting awards—mula sa 2016 Tokyo International Film Festival at Metro Manila Film Festival 2016.

Minsan nang nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Roland noon, ngunit hindi niya ito sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi ring magbigay ng pahayag sa PEP si Paolo.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ibigay nina Paolo at Roland tungkol sa ulat na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN