Baste Duterte on 'babaero' tag: "Ayoko nang ipagtanggol ang sarili ko sa mga ganung klaseng bagay."

IMAGE Noel Orsal

"Ang sarap ng feeling," ang pabirong sagot ni Baste Duterte sa tanong kung ano ang nararamdaman kapag sinasabihan siyang lapitin ng mga babae. Pero dagdag niya, "Wala namang lumalapit sa akin."


'Babaero' ang impresyon ng publiko sa bunsong anak na lalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Bukod sa pagkakaroon ng matagalang relasyon kay Kate Necesario, ina ng kanyang anak, halos sumabay rito ang pag-ingay ng relasyon nila ng aktres na si Ellen Adarna.

Pero matapos ang halos isang taon, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Baste at Ellen.


Stories We Are Tracking

Baste on breakup with Ellen:
Baste on breakup with Ellen: "Puwede bang past is past na?"
Baste Duterte:
Baste Duterte: "Faithful naman ako, hindi lang loyal."
Ellen reveals
Ellen reveals "final straw" in breakup with Baste

Sa kanyang pagharap sa entertainment press noong Biyernes, May 12, para sa grand presscon ng kanyang upcoming show sa TV5 na Lakbai, nakiusap si Baste na huwag siyang husgahan tungkol dito.

Pahayag niya, “Babaero? Yun ba yung impression niyo sa akin?

“Siguro dapat manood kayo ng show. Ayoko nang ipagtanggol ang sarili ko sa mga ganung klaseng bagay.

“Basta manood na lang ng show and maybe may ma-appreciate kayo sa mga sinasabi ko, that will change your impression of me. Right?

"Ewan ko lang, ha. Bahala na kayo."

Hindi rin daw niya masabing habulin siya ng mga babae.

Biro pa niya, “Ewan ko nga ba’t lumalapit sila sa akin!”

Mas lalo ba siyang naging lapitin ng mga babae ngayong presidente na ang kanyang ama?

Natawa lang si Baste tungkol dito.

Pagdating naman sa usaping pantasya siya ng mga kakabaihan, sabi niya, “Ang sarap ng feeling. Pero wala namang mga lumalapit sa akin.”

TV PERSONALITY. Sa Linggo, May 21, magsisimula na ang Lakbai sa TV5.

Ano pa ang mga gusto niyang gawin bukod sa TV hosting?

Tugon ni Baste, “I’m just living it day by day. Wala naman akong ini-expect talaga.”

Hindi rin daw siya bukas sa posibilidad na umarte sa mga pelikula.

Feeling daw niya, hindi siya marunong umarte.

Pero biro ni Baste, "Dapat yung talent fee ko, kung mag-a-act ako, siguro dapat napakalaki na iiyak ako sa laki, di ba?"

Bukas din daw siyang makatrabaho si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If I have to, I would,” sabi ni Baste.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN