Angelu de Leon on working with ex-boyfriend Joko Diaz: "Past is past."

IMAGE Noel Orsal

Angelu de Leon had no qualms in working again with Joko Diaz in the fantasy series Mulawin vs. Ravena. She said, "Kasi ever since naman, we're civil. And siguro kasi, past is past. Sabi ko nga, forgiven and forgotten. Yun na yun, e. Doon ko nga na-realize na maliit ang showbiz talaga!"


Hindi raw nalaman agad ni Angelu de Leon na makakatrabaho niya ang ex-boyfriend na si Joko Diaz nang unang inalok sa kanya ang GMA-7 fantasy series na Mulawin vs. Ravena.

Nagkita na lang daw sila sa story conference na ginanap isang linggo bago ang cast announcement noong March 27.

Sabi ni Angelu sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "No! Nagkagulatan kaming dalawa sa storycon.

"Pagdating ko, nandun siya. Sabi ko, 'Okay, hi!"

Subalit paglilinaw ni Angelu, hindi naman problema ang pakikipagtrabaho kay Joko dahil matagal na silang civil sa isa't isa.

Saad niya, "Pero hindi, kasi ever since naman, we're civil.

"And siguro kasi, past is past.

"Sabi ko nga, forgiven and forgotten. Yun na yun, e.

"Doon ko nga na-realize na maliit ang showbiz talaga!"

Bukod kay Joko, makakatrabaho rin ni Angelu sa Mulawin vs. Ravena ang dating ka-love team na si Bobby Andrews.

Kasagsagan ng love team nina Angelu at Bobby noong 1998 nang napabalitang nabuntis ni Joko ang aktres.

Naging dahilan ito upang pansamantalang lisanin ni Angelu ang showbiz at mahinto ang love team nila ni Bobby.

Nang bumalik si Angelu sa showbiz, ilang beses na rin silang muling pinagtambal ni Bobby sa mga teleserye.

Subalit ito raw ang unang pagkakataong makakatrabaho nila nang sabay si Joko.

Saad ni Angelu, "First time na kaming tatlo. God is good, di ba?

"I think hinanda Niya kaming lahat. Pero sabi ko nga, hindi naman na siya issue."

Nakausap ng PEP si Angelu sa grand launch ng Mulawin vs. Ravena, sa Hive Hotel, Quezon City,  Lunes ng gabi, May 15.

ANGELU AND JOKO'S DAUGHTER. Ang pagsasama nina Angelu at Joko ay nagbunga ng isang anak na babae, si Nicole, na ngayon ay 18 years old na.

Paano ibinalita ni Angelu sa anak na makakatrabaho niya ang ama nito?

Natatawang kuwento ng 37-year-old actress, "Wala, sinabi ko lang sa kanya, 'I'm working with your father!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun lang ka-casual! Sabi niya, 'Nice!"

Pagbabahagi pa ni Angelu, "They don't see each other. I think they speak once in a while.

"But kung father-daughter relationship, I don't think they're there yet.

"Kasi bata pa lang si Nicole, 12, 13 pa lang siya, may sarili na siyang cell phone.

"Pinapadiretso ko na kaagad si Joko sa kanya."

Bagamat sa tingin ni Angelu ay makakatulong ang pagsasama nila ni Joko sa teleserye, para sa relasyon ng mag-ama, ayaw niyang puwersahin ang dalawa.

"Siyempre gusto mo, di ba? Pero hindi mo siya oobligahin.

"Kasi gusto mo naman, parang for me, gusto ko, pag meron kang ibinigay sa anak mo or anything, it's always because bukal sa kalooban mo, di ba?

"Not hindi dahil napilitan ka.

"I think binigyan naman siya ng regalo noong birthday niya, mga ganung small things."

Maging siya ay handa at wala nang hesitation na makatrabaho ang ama ng kanyang panganay na anak.

"Oo, kaya parang wala na, wala nang ganun.

"Sabi nga, I remember the boy, but I don't remember the feelings anymore. Charot!" pagtatapos ni Angelu.


Stories We Are Tracking

<p>Angelu de Leon has not seen last episode of <em>Growing

Angelu de Leon has not seen last episode of Growing

<p>Joko Diaz in constant touch with daughter by Angelu de Leon&l

Joko Diaz in constant touch with daughter by Angelu de Leon&l



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN