Eugene Domingo to marry Italian boyfriend in 2018?

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Eugene Domingo on her love life: "I'm very inspired and I'm always very thankful to God na umabot pa ako ng ganito. I cannot describe the happiness."


Hindi sinasaway o itinatama ni Eugene Domingo ang mga nagsasabing “fiancé” na niya ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni, isang film critic.

Ito ay sa kabila ng wala pa namang proposal na nagaganap sa pagitan ng comedienne-actress at ng kanyang dayuhang kasintahan.

Kung ikakasal man daw sila, posibleng sa Italy ito maganap.

May nakita na raw siyang isang maliit na simbahan doon.

“God-willing, next year, God-willing,” sambit ni Eugene.

Pero papayag kaya ang boyfriend niyang manirahan dito sa Pilipinas?

“Yes, puwedeng i-consider dito sa Pilipinas kapag masyadong malamig doon.

"Paganun-ganun lang… MRT lang naman!" natawang biro niya.

Kumusta naman ang pakikitungo ni Danilo at ng ina ni Eugene?

“Ay, nakakatawa, nag-a-‘I love you’-han sila.

“Maayos na maayos, very smooth,” sabi niya.

Excited na rin daw ang nanay ni Eugene na makasal sila.

“Ay, grabe! Kapag sinasabi kong ‘Pupunta po ako sa mapapangasawa ko,’ sasabihin niya, ‘Ay, salamat!’

“Parang gusto niya yata lumayas na ako!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene sa presscon ng nagbabalik na game show niya, ang Celebrity Bluff, na ginanap noong May 12 sa GMA Network Center.

DANILO VISITS THE PHILIPPINES. Lingid sa kaalaman ng karamihan, bumisita sa Pilipinas si Danilo kamakailan.

Anu-anong mga lugar ang pinasyalan nila ng Italian boyfriend?

Kuwento ni Eugene, “Sa ating beach, somewhere in Bataan and Japan. Nag-tour din kami sa Manila.

“Ipinakita ko sa kanya ang iba-ibang texture ng Pilipinas na kaya naming maabot for a very short period of time.

“I presented to him our beautiful beach, and then I presented to him the very texturized Manila, and also the very plain but very rich Quezon City.”

First time daw ni Danilo na mabisita ang Pilipinas, at ang beach natin ang isa sa pinaka nagustuhan nitong lugar.

Ayon kay Eugene, “Yun ang pinaka na-enjoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time niya sa Philippines.

“Kasi noong una, sinabi namin na ‘Baka maano ka… Remember, this is third world.’ May disclaimer ka na agad.

“But actually, no, he really loves the people, the food.

“Sabi niya, ‘Ano ang sinasabi niyo na third world? Hindi naman.’”

Kung nagkataong nandito pa sa bansa si Danilo, posibleng maglaro raw ito sa pagbabalik ng game show ni Eugene sa GMA Network na Celebrity Bluff.

Sabi ng Kapuso star, “Hindi lang talaga nataon na nandito siya noong nag-taping kami.  

“But, you know, he's very willing to play with us.

“Okey naman yun, trooper naman yun.”

Hindi rin daw nagkaroon ng pagkakataon si Eugene na maisama at maipakita sa boyfriend ang trabaho niya.  

“Pero isa ‘yan sa mga gusto ko. Tuwang-tuwa siya pag nakikita niya ako sa TV, e.

“At saka, kuwela rin siya. Baka nga sumikat pa yun, magulat ako!” natawang sabi niya.

TRAVEL PLANS. Binigyang-diin ni Eugene na kahit dalawa ang regular shows niya ngayon sa GMA-7—ang Dear Uge at Celebrity Bluff—hindi ito magiging dahilan para ma-compromise ang travel plans niya.

Sa katunayan, nasa Italy ngayon si Eugene para dalawin naman ang Italian boyfriend.

Saad niya, “My priority talaga is my private life pa rin.

“Very thankful ako sa mga boss ko kasi, beforehand, they asked for my schedules and I presented to them.

“Advance lang talaga ang pagbili ko ng tickets para naka-prepare na.

“From this period to this period, I’m out of the country. And then, ito ang taping days natin… Lahat cooperative.  

“GMA is kapag sinabi mong Kapuso, may puso.”

Mukhang miss na miss na nila ang isa’t isa dahil kahit kakabisita lang ni Danilo sa Pilipinas, si Eugene naman ang lumipad sa Italy para muli silang magkita.

“Sobra, sobra,” sambit ng aktres at TV host.

“But I'm very inspired and I'm always very thankful to God na umabot pa ako ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I cannot describe the happiness.”

EDU MANZANO. Sa kabilang banda, masaya si Eugene na ang unang celebrity bluffer na makakasama niya, pagkatapos ng isang taong pamamahinga sa ere ng Celebrity Bluff, ay si Edu Manzano.

Sabi niya, "Natural! Natural na masaya, natural na matalino at saka, ang cute niya, di ba?

"So, talagang napaka-smooth ng taping, walang ka-pressure-pressure."

Ipinagdasal daw niyang matuloy si Edu na maging bahagi ng kanyang programa.

Lahad ni Eugene, "E, tinanong nga nila ako, 'Ini-invite namin si Edu Manzano. Sana mapagbigyan niya tayo.'

"Sabi ko, 'Ha? Sige, sige, ipagdarasal ko 'yan!'

"Kasi talagang para sa akin, game show master host siya, e.

"Isang malaking karangalan sa akin at marami pa kong natututunan.

"Tapos, nakasama mo yung senior sa 'yo...

"Hindi ko sinasabing matanda na si Edu, ha, linawin natin 'yan.

"Pero in fact, habang nagkakaedad si Edu Manzano, lalo siyang sumasarap.

"Kasi iniingatan niya ang sarili niya.

"He's very healthy and talagang palagi siyang yung laging nakaporma siya.

"At hindi siya papahuli kay Alden [Richards]!"

Sa June 3 magsisimulang mapanood ang Celebrity Bluff, kasama pa rin sina Boobay at Brod Pete.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN