Valerie Concepcion opens up about long-distance relationship with new BF

IMAGE Noel Orsal

Has Valerie Concepcion found her Mr. Right in new boyfriend? The Kapuso actress says, "Four months pa lang kami, pero parang… sana, kasi I'm not… hello, twenty-nine na ako! Ilang beses na ito na parang, 'Sana siya na!' Ayoko na lang umasa, bahala na pag dumating, iyon na, di ba?"


Isang Pinoy na naka-base sa Guam ang boyfriend ngayon ng aktres na si Valerie Concepcion.

Apat na buwan pa lang daw ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “He’s a court [clerk] in Guam.

"So, he’s based there, so LDR [long-distance relationship] kami.

“Court [clerk]... sila yung ‘All rise,’ yung mga ganyan sa court. ‘Now, presiding Judge chuchuchuchu.’"

Dagdag ni Valerie, “Pinsan siya ng kaibigan ko.

“So, one time, nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas, inaya ako ng kaibigan ko na mag-dinner with them, yun, dun na.”

Iyon ba ang una at huli nilang pagkikita?

“No. After that, parang every other week, nasa Guam ako!

“Yeah, before this project,” pagtukoy ni Valerie sa Mulawin vs Ravena, kung saan isa siya sa cast members.

Bakit hindi ang boyfriend niya ang regular na bumibisita sa kanya dito sa Pilipinas?

Paliwanag ni Valerie, “Kasi yung work niya is from Tuesday to Saturday, regular job siya, 8 to 5.

"So, mas flexible yung time ko.

“Kaya lang, ngayon po na may taping na, hindi na ako nakakapunta dun, siya na yung pumupunta dito, once a month.”

"You make me smile in a special kind of way... You make me fall deeper in love everyday." ?? #latepost 3.25.2017 ????: @chelseacathy

A post shared by Valerie Concepcion ???????? (@v_concepcion) on

MR. RIGHT? Francis Sunga ang pangalan ng 36-year-old boyfriend ni Valerie.

“May anak siyang isa, pero never married,” banggit pa ng aktres.

Eight years old ang anak na babae ni Francis, samantalang 12 years old naman ang anak ni Valerie na si Heather Fiona.

“May teenager na ako this year, dyusko! Sa October, thirteen na siya!” bulalas niya.

Sa palagay ba ni Valerie ay si Francis na ang “Mr. Right” para sa kanya?

Tugon niya, “Four months pa lang kami, pero parang… sana, kasi I’m not… hello, twenty-nine na ako!

“Ilang beses na ito na parang, ‘Sana siya na!’

“Ayoko na lang umasa, bahala na pag dumating, iyon na, di ba?”

Bago naging sila ni Francis, nagkaroon muna ng dalawang boyfriends si Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa ay doktor, at tumagal ang relasyon nila ng dalawa’t kalahating taon.

Sinundan ito ng isang lawyer, at inabot ng isang taon at apat na buwan ang kanilang relasyon.

Ayon kay Valerie, “Then, after that, sabi ko, ayoko na muna, pagod na ako, ganyan-ganyan.

“So, iyon, eto ngayon.”

At nakilala nga niya si Francis.

Kuwento pa ng Kapuso actress, “Dito siya ipinanganak, sa Pampanga.

“Pero since twelve years old siya, nasa Guam na sila.

“And then, nag-Sacramento, California, tapos bumalik ulit sa Guam.

“US citizen siya.”

Handa ba si Valerie na talikuran ang showbiz sa ngalan ng pag-ibig?

“Hindi ko alam!” natawa niyang sagot.

“I’ll cross the bridge when I get there. It’s too early.”

Di ba mahirap yun sa mga long-distance relationship?

“Totoo naman yun, pero wala pa naman, e.

“Pagka may singsing na, tsaka ko na lang poproblemahin.

“Masyado na akong umasa before!” at muling tumawa si Valerie.

VALERIE AS A RAVENA. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa grand launch ng Mulawin vs Ravena, na ginanap sa Hive Hotel and Convention Center, Scout Tuazon, Quezon City, Lunes ng gabi, May 15.

Gaganap dito si Valerie bilang si Tuka, na ginampanan noon ni Marissa Sanchez.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Yung si Tuka ngayon, sine-seduce niya yung hari, si Daragit, si Tito Roi Vinzon, dahil gusto niyang maging reyna, masyado siyang ambitious.

“Tapos foster mother siya ni Lawiswis, ni Bianca Umali.”

Buti pumayag siyang may anak na siyang dalaga sa fantaserye?

Rason ni Valerie, “Foster mother naman.

“Si Carla Abellana nga, nanay siya ni Bea Binene. Kasi ang mga Mulawin, hindi mabilis mag-age.

“Dati akong Ravena, naging Mulawin, so Mulawin na ako ngayon.”

Ipapalabas ang Mulawin vs Ravena simula sa Lunes, May 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN