NYC Chairman Aiza Seguerra opposes bill lowering age of criminal liability

IMAGE Noel Orsal

Aiza Seguerra as National Youth Commissioner is vehemently against the proposed lowering the age of criminal liability to nine. "Tayo nga, e, laging PG-13, R-13. But 12? Or nine? My God!" she bursts out. "Kayong matatanda, kayo mismo ang nagbubuyo, kayo 'yan. Bakit magsa-suffer ang mga bata sa kalokohan ninyo?"


Bilang chairman ng National Youth Commission (NYC), tutol si Aiza Seguerra sa isinusulong na batas na ibaba sa siyam, sa halip na 15 taong gulang, ang “criminal liability” ng mga menor de edad.

Halatang passionate si Aiza sa isyung ito base sa kanyang mahabang pahayag.

Saad niya, “We are against it. I am against it.

“Isa kami sa mga nakaupo sa JJWC [Juvenile Justice Welfare Council], kasali ang NYC diyan, and we are fighting na hindi ibaba.

“Why? Number one, there is no exact and clear data.

“I asked, e, ‘Bigyan niyo ako ng data na nagsasabi na ang influx ng mga crime na kinu-commit ng mga nine years old ay sobrang taas para gawin natin ‘to.’

“Ia-amend natin ‘to, ibababa natin, bakit?

"Lahat ba ng mga lugar ngayon, may Bahay Pag-asa na?

“May mga batang nakakakulong, as we speak, and that’s not even allowed.

“Hindi sila puwedeng isama sa general, hindi sila puwedeng ikulong. But, may mga nakakulong.

“Sa akin, paano muna natin i-strengthen ‘tong batas na ‘to?

“Papabain mo agad?

"E, kung papabain mo ‘yan, mas lalong marami kang mechanism na ilalagay diyan.

“Hindi pa nga natin nagagawang maayos ‘to, di ba?”

AIZA’S PROPOSAL. Sa pananaw ni Aiza, mas makabubuti kung may programa na tutulong sa rehabilitation ng mga batang nakakulong.

“Hindi mo siya basta puwedeng pakawalan, dapat merong mga interventions na dapat gawin.

“Doon tayo kulang. Kumbaga, hindi siya ikukulong, but there should be intervention.

“Kasi may mali siyang ginagawa, he is to be accountable.

“So, ang dapat nating i-strengthen ay ang mga interventions na ito. Nandodoon ako.”

Ayon pa kay Aiza, maaari nilang ikunsidera sa NYC ang lowering of age simula 13 years old.

Paliwanag niya, “Kasi tayo nga, e, laging PG-13, R-13... But 12? Or nine? My God!

“Look at the law… Kailangan may mechanisms in place ‘yan, may psychiatrists, may mga ganyan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mali kasing nangyayari ngayon, pinapakawalan.”

FAULT OF PARENTS. Para kay Aiza, ang mga magulang at guardians ng mga batang nagkasala ang nararapat parusahan.

“Sa akin, strengthen the law and make sure the parents or the guardians of these children na nahuhuli ninyo, sila dapat ang dagdagan ng parusa. Hindi ang mga bata.

"Kasi naniniwala ako, kapag maayos ang pagpapalaki mo sa anak mo or sa kung sinumang alaga mo, hindi gagawa ng katarantaduhan ‘yan.

"So, kayong matatanda, nine years old, gagawin ‘yan?

“Kayo ‘yan, kayo mismo ang nagbubuyo, kayo ‘yan.

“Bakit magsa-suffer ang mga bata sa kalokohan ninyo?”

Tulad ni Aiza, tutol din si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa isinusulong na batas.

May kanya-kanyang version din daw ang lawmakers na nagpu-push maipasa ang bagong panukalang ito na ibaba sa siyam na anyos ang criminal liability ng isang menor de edad. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN