Julie Anne San Jose accepts Benjamin Alves's relationship history

IMAGE Noel Orsal / Twitter (Ben Alves)

Julie Anne San Jose says she does not care about Benjamin Alves's past relationships and prefers to live in the moment. She explains, "I don't like it when it comes to the past. I don't live there anymore. There's no point talking about it anymore because it's done."


Puno ng kasiyahan ang puso ni Julie Anne San Jose, na nagdiriwang ng kanyang ika-23 kaarawan ngayong Miyerkules, May 17.

Bukod sa magandang career, malaking bahagi ng kaligayahan ng Kapuso singer-actress ang relasyon niya sa rumored boyfriend na si Benjamin Alves.

Mag-iisang taon na raw ang “relasyon” nilang dalawa.

“Exclusively dating” ang tugon ni Julie Anne nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang status ng kanilang relasyon.

Dagdag pa niya, “We started a year ago, so magwa-one year na.”

Nakausap ng PEP si Julie Anne sa pre-birthday celebration niya with fans, na inorganisa ng GMA Artist Center, sa Paeng’s Bowling Centre sa Citywalk 2 Mall, Eastwood, Libis, Quezon City, nitong Martes, May 16.

BENJAMIN'S PAST. Bago nakilala ni Benjamin si Julie Anne, marami na ring na-link na ibang babae sa Kapuso actor.

Kabilang dito sina Jennylyn Mercado, Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Hindi ba natatakot si Julie Anne sa bahagi ng nakaraan na ito ni Benjamin?

Sabi niya, “We had long conversation about that. It was mature.

"Depende naman kasi yun sa 'yo on how you’re gonna take it."

Panatag daw ang loob niya sa binata.

“Oo, importante kasi na may assurance din kayo.

"I just want to say we don’t live in the past anymore.

“Actually, there’s no reason to doubt your partner.

“I don’t like it when it comes to the past. I don’t live there anymore.

"There’s no point talking about it anymore because it’s done.

"What’s the point of talking about it kung wala na?" saad niya.

SECURED WITH BENJAMIN. Secured ba siya kay Benjamin?

Sagot ni Julie Anne, “Oo, kasi it’s weird if I say we’re exclusively dating and we’re seeing someone else, di ba?

“If I say we’re exclusively dating, then it has to be just the both of us. Ikaw lang, wala nang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na ako sa mga like games, I’m so done with that.”

Dugtong ng dalaga, “Sa lahat ng relationships, gusto naman talaga natin yung okay siya, makikita mo ang sarili mo with that person in that future.”

Nakikita ba niya ang sarili kasama si Benjamin?

Sagot ni Julie Anne, “Lahat naman talaga, wala naman taong gusto na…

"If you’re in a relationship, you’d always think about it, gusto mo siya lang, sana siya na, ganito-ganyan.

"It’s just a matter of circumstances lang talaga.

“Mate-test mo ang patience ng isang tao kapag marami kayong napagdadaanan, marami kayong problema, but you’re still there for each other.”

Ganito raw ang relasyon nila ni Ben.  

Ayon kay Julie Anne, “Kapag nasa isang relationship tayo, gusto natin na sana siya na, sana eto na talaga, ganun.

“Pero may ibang relationships kasi na ganun, tapos di naman pala talaga nagla-last.

“Lagi kong pinagpi-pray yun kay Lord. Kung saan kami dadalhin dalawa.

"So be it. Si Lord lang naman kasi ang nakakaaalam." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN