Inah de Belen still hasn't introduced BF Jake Vargas to her dad John Estrada

IMAGE James Patrick Anarcon

Inah de Belen about dad John Estrada not yet meeting her boyfriend Jake Vargas: "Wala pa siyang masabi kasi hindi pa niya kasi nakikilala at all. So, wala pa siyang comment. Pero may idea na siya kung sino si Jake!"


Hanggang ngayon ay hindi pa naipapakilala ni Inah de Belen ang boyfriend na si Jake Vargas sa kanyang ama na si John Estrada.

Si Inah ang panganay na anak ni John sa dati nitong asawa na si Janice de Belen.

Paliwanag ni Inah sa PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal), “Wala pa, wala pang time talaga. Kasi sobrang busy. 

“Tapos, sobrang busy rin ng tatay ko, kasi may bago siyang teleserye.”

Ang tinutukoy ni Inah ay ang upcoming drama series ng ABS-CBN na Kung Kailangan Mo Ako.

May mga komento na ba ang daddy ni Inah kay Jake?

“Wala pa siyang masabi kasi hindi pa niya kasi nakikilala at all.

“So, wala pa siyang comment. Pero may idea na siya kung sino si Jake!” natawang sabi ng Kapuso actress.

TRIP WITH JAKE'S FAMILY. Bukas, May 19, ang finale episode ng primetime series na Encantadia, kung saan naging bahagi si Inah bilang si Deshna.

Ngayong tapos na ang taping niya para sa teleserye, nakaplano na ang pagbabakasyon ni Inah sa Boracay.

Makakasama niya sa bakasyong ito si Jake at ang pamilya ng aktor.

Ibig bang sabihin nito ay tanggap na tanggap na siya ng pamilya ni Jake?

“Hindi naman, siyempre bonding lang!” natawang sagot ni Inah.

Anong pakiramdam na makakasama niya ang buong pamilya ni Jake, habang siya ay walang kasamang kapamilya?

Tugon niya, “Siyempre masaya, parang getting to know each other.

“At saka sobrang natutuwa ako sa company nilang lahat—simple, sobrang simple.”

Sa isang banda, malaki ang pasasalamat ni Inah na naging bahagi siya ng Encantadia, isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapuso network.

Naging daan daw ito para mas lalo siyang makilala ng mga manonood.

“Sobrang blessed talaga ako sa Encantadia. Sobra!” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN