PEP EXCLUSIVE. Jose Sarasola shrugs off Maria Ozawa-Cesar Montano "one-night stand"

IMAGE Jose Sarasola Instagram

Jose Sarasola on past issue about girlfriend Maria Ozawa's supposed one-night stand with Cesar Montano: "The fact that she said it's not true, it makes sense to me na she could've admitted it, and she also could not have admitted it, pero tanggap ko naman kasi past naman, e. Di ko pa siya kilala nun, e. I can't control her past."


FOR THE ENGLISH VERSION, CLICK HERE.

Aware ang chef-actor na si Jose Sarasola sa naging isyu noon ng kanyang Japanese girlfriend na si Maria Ozawa sa aktor na si Cesar Montano.

Nagkasama sina Maria at Cesar sa pelikulang Nilalang, official entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Sa panayam ni Maria sa podcast ng Good Times With Mo noong March 1, 2016, tinanong siya kung nagkaroon sila ng sexual encounter ni Cesar habang ginagawa nila ang pelikula.

Tumawa lang ang dating adult-film actress at hindi sinagot ang tanong.

Ngunit nang tanungin kung ilang beses silang nag-sex ni Cesar, alinlangang sumagot si Maria ng: “Once maybe. Well, twice.”

Pero agad din niyang pinalitan ang kanyang sagot: “No, one.”

Pagkalipas ng dalawang araw, noong March 3, 2016, nag-post ng mensahe sa Twitter si Maria upang sabihing biro lamang ang one-night stand nila ni Cesar.


Stories We Are Tracking

Maria Ozawa admits one-night stand with Cesar Montano
Maria Ozawa admits one-night stand with Cesar Montano
Maria Ozawa: No one-night stand with Cesar. It was a joke!
Maria Ozawa: No one-night stand with Cesar. It was a joke!

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jose noong May 12, tinanong namin kung ano ang reaksiyon niya sa isyu noon tungkol kina Maria at Cesar.

Pahayag ng dating Pinoy Fear Factor contestant, “I told her na lang, ‘Here in the Philippines, you can’t make those kind of jokes.’

“Very delicate situation, very iffy situation.

“Pag may mga ganung biruan, nagiging big deal sa Pilipinas, e.

“So, dapat minsan, next time, ingat ka sa mga sinasabi mo.”

Pero dagdag ni Jose, “Well, she told me for a fact na it’s not true. It was a joke lang.

“But siyempre, yung mga jokes sa Pilipinas, tapos yung mga ganyan, with Maria Ozawa pa, magiging big deal talaga, nag-iiba yung story, natu-twist ng konti yung kalabasan ng katotohanan.

“So I told her, 'Next time lang, when you say those things…'

“I think she learned her lesson. Na-stress din siya, e.”

Tinanong ba niya si Maria tungkol doon?

Ayon sa Filipino-Spanish chef-actor, “It happened before I met her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I said, anything that happened in the past, di naman issue sa akin, e.”

Kung sakaling may nangyari man sa kanila, walang isyu sa kanya?

Tugon ni Jose, “Wala ding mali sa akin, e.

“The fact that she said it’s not true, it makes sense to me na she could’ve admitted it, and she also could not have admitted it, pero tanggap ko naman kasi past naman, e.

“Di ko pa siya kilala nun, e. I can’t control her past.

“And she’s had crazier past than that tsismis. It’s not really an issue.”

WORKING TOGETHER. Parehong artista sina Jose at Maria. May posibilidad kayang magkatrabaho sila sa isang proyekto?

Sabi ni Jose, “That would be fun.

“Maybe sa ngayon, mga interviews together, but yung mga taping, shooting ng mga TV series, movie, wala pa namang offer.

“Pero kung sakali, why not?

“It’ll be easy to work with her kasi girlfriend ko naman.

“Yun nga lang, yung Tagalog, mahirap. English lang mga lines niya.”

Sa palagay ba ni Jose ay papayag si Maria na magkatrabaho sila?

“Working with me? I think she’ll be at ease.

“At least, alam niyang co-star niya is someone who’s very supportive, someone who loves her.

“Hindi naman siguro magiging issue. Feeling ko naman, game naman yun.

“Yun nga lang, yung script, medyo English.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN