Kris Bernal turns down suitors from showbiz: "Hindi naman ako paasa! In fairness naman."

IMAGE Noel Orsal

Kris Bernal on turning down suitors: "Nagpaparamdam sila, pero kapag hindi ko naman pinansin, tumitigil din naman. Kasi minsan may mga mapilit pero hindi ko talaga nire-reply-an. Kasi nakilala ko na rin siya, nakasama ko na rin siya, tapos hindi naman na ganun kaokey."


Inamin ni Kris Bernal na may mga katrabaho siya sa showbiz na sumusubok manligaw sa kanya.

Ngunit ayaw nang pangalanan ng Kapuso actress kung sinu-sino ang mga ito, lalo na’t hindi rin daw niya gustong bigyan sila ng pag-asa.

Sabi ni Kris, “Huwag na, wala naman yun, maliit na bagay lang.

“Nagpaparamdam sila, pero kapag hindi ko naman pinansin, tumitigil din naman.”

Ayaw rin ng Impostora star na mag-aksaya ng oras pagdating sa pakikipagrelasyon.

Saad niya, “Kasi minsan may mga mapilit, pero hindi ko talaga nire-reply-an.

“Kasi nakilala ko na rin siya, nakasama ko na rin siya, tapos hindi naman na ganun kaokey.

“Sabi ko nga, ayoko naman ng relationship na sandali lang or alam kong ganito lang.”

Paglilinaw pa ni Kris, hindi niya gustong paasahin sa wala kung sinumang nanliligaw sa kanya.

“Hindi naman ako paasa! In fairness naman.

“Alam na nila yun, kapag hindi ako pumapayag na lumabas, alam na for sure ng mga guys yun.

“So, siguro, ang kapal naman naman ng mukha ko, pero siguro very choosy ako pagdating sa guys.”

Watch: Sino ang showbiz personality ang sumubok manligaw sa Kapuso actress na si Kris Bernal?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa kanyang 28th birthday party kasama ng fans.

Ginanap ang selebrasyon sa Karaoke Pop Family KTV sa Cubao, Quezon City, kahapon, May 18.

NON-SHOWBIZ GUY. Dito ay ibininagi ni Kris na tuloy pa rin ang panliligaw sa kanya ng isang non-showbiz guy na limang taon ang tanda sa kanya.

“Suitor lang naman. Hindi pa talaga official na kami,” ani Kris.

Nakikita raw niya sa non-showbiz guy ang ilang qualities na hinahanap niya sa isang potential boyfriend.

Pero tila dadaan pa rin sa butas ng karayom ang binata bago tuluyang makuha ang loob ng Kapuso actress.

“Sabi ko nga, mapili ako. Hindi naman sa feeling ako, ha.

"Pero siyempre, ang dami kong pinag-iipunan, yung family ko sinusuportahan ko pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siyempre, gusto ko rin yung guy who’ll support me.

"Siguro nandun ako sa point din na if ever magkakaroon ako ng relationship ngayon, gusto ko yung matagal na.”

Suwerte ang lalaking makakatuluyan ni Kris, dahil ayon sa dalaga ay hindi siya yung tipong aasa lang sa mapapangasawa.

“Siyempre, ngayon pa lang nag-iipon na ako.

"Kasi hindi natin masabi, kunwari 33 or 34 years old ako, kunwari five years from now, magse-settle down na ako.

“Siyempre, kailangan pinag-iipunan ko na rin.

“Wala na akong gastos na maliliit na bagay—alam mo yung pansandali lang? Hindi na ako ganun.

“Very wise na ako sa pag-handle ng money ko.”

Pero giit ni Kris, “Hindi pa naman ako magse-settle down. Malayo pa ‘yan.”


Stories We Are Tracking

Kris Bernal shuts down boob-job rumors
Kris Bernal shuts down boob-job rumors


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN