Jason Abalos accused by female netizen of "indecency"

IMAGE Noel Orsal / Screen shot from Fracebook

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbubunyag ng isang netizen tungkol sa diumano'y pangha-harass sa kanya ng aktor na si Jason Abalos. Ayon sa netizen, kinukumbinsi raw siya ni Jason na makipagkita sa kanya at makipagtalik. 


Viral ngayon sa Internet ang Facebook at Twitter posts ng isang babae tungkol sa diumano'y pambabastos sa kanya ng aktor na si Jason Abalos.

Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes, May 19, ipinaliwanag ng netizen kung bakit nagdesisyon siyang ilantad sa publiko ang palitan nila ng mga mensahe ni Jason, gamit ang Facebook messaging:

“'bakit kasi ganyan mga posts mo on facebook'

“'bakit mo kasi kinausap pa nung una'

“Whatever you say, that doesn't change the fact that he is a cheater and he is indecent.

"Just because you are famous doesn't give you the right to show indecency among women. First of all, you have a girlfriend (who you denied ever since you started talking to me).

"Second, I told you I don't want you. I'm exposing you because this is the right thing to do. God bless you.”

Kalakip ng Facebook post niya ang ilang screenshots mula naman sa kanyang Twitter posts, kung saan una siyang nagsalita tungkol kay Jason.


THE CONVERSATION. Sa kanyang Twitter account, idinetalye ng netizen kung paano nagsimula ang pag-uusap nila ng Kapamilya actor sa Facebook.

Nagsimula raw ang lahat sa pamamagitan ng “thumbs up” sign.


Kasunod daw nito ang pagtatanong ni Jason kung taga-saan siya at kung saan siya nag-aaral.

Base sa mga sagot ng netizen, taga-Nueva Ecija daw siya at sa La Salle siya nag-aaral.


 

Naka-attach din sa post ng netizen ang dalawang larawan ni Jason, 32, na nai-screenshot daw niya habang nagbi-video call sila gamit pa rin ang personal messaging sa Facebook.

Walang suot na pang-itaas ang aktor sa mga kuhang larawan.

Ito raw ang "evidence" niya na ang aktor nga ang kausap niya.



Ayon pa sa netizen, may nauna na siyang posts tungkol sa diumano’y pangha-harass sa kanya ni Jason, ngunit binura raw niya agad ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nag-post daw siyang muli nang may nagtanong sa kanya kung bakit niya ito binura.


“I DIDN’T WANT TO EXPOSE HIM.” Ayon sa netizen, ayaw sana niyang ilantad ang mga pinagsasabi ni Jason sa kanya, ngunit grabe na raw ang ginagawa ng aktor.

"Super vulgar" daw ang mga salitang ginagamit at pinipilit daw siyang makipagtalik ng aktor.

Iitinanggi rin daw sa kanya ng aktor na mayroon siyang girlfriend.

Sa pagkakaalam ng publiko, ang kasintahan ni Jason ay ang modelo at dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Vickie Rushton.

PHONE RECORDING. Kasunod nito, ibinahagi ng netizen ang mga bastos na mensahe diumano sa kanya ni Jason.

Mayroon din daw siyang recording ng phone calls ni Jason sa kanya.


Iginiit ng netizen na napilitan lang siyang sagutin ang video call ng aktor upang ma-screenshot ang larawan nito.


 

Tinawag din niyang “cheater” ang aktor.

 

Pagkatapos nito ay tuluyan na raw binlock ng netizen sa kanyang telepono si Jason.

 


Sa huli, napag-isip-isip daw ng netizen kung tama ba ang ginawa niyang pagbubunyag sa pambabastos sa kanya ng aktor.

Bago ilathala ang artikulong ito ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kontakin ang netizen sa pamamagitan ng Facebook, ngunit hindi pa niya sinasagot ang aming mensahe.
Humingi na rin ang PEP ng pahayag mula sa Star Magic, ang nangangalaga sa career ni Jason, ngunit hindi pa rin kami nakakatanggap ng tugon.
Mananatling bukas ang PEP sa panig ng mga sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN