Marian Rivera on 'fake D&G T-shirt' issue: "Para sa akin, hindi big deal talaga."

IMAGE Instagram / Bernie Franco

Marian Rivera on 'fake D&G T-shirt' issue: "Alam mo, T-shirt lang 'yan, maliit na bagay. At para sa akin, hindi 'yan kailanman magiging basehan para usisain kung anong klaseng pagkatao meron ka."


Ipinagkikibit-balikat lang ni Marian Rivera ang lumaking isyu tungkol sa authenticity ng Dolce & Gabbana T-shirt na isinuot niya sa isang show noong Pebrero.

Matatandaang pinag-usapan nang husto ang pagtatapat ng isang showbiz blog sa mga larawan ni Marian at ng kapwa niya Kapuso actress na si Heart Evangelista, na parehong suot ang D&G T-shirt.

Sa nasabing report ay nagkomento ang isang kaibigan ni Heart at sinabing "fake"; ang suot na T-shirt ni Marian.

Umalma rito ang personal shopper ni Marian na si Aimee Hashim at sinabing totoo ang T-shirt na suot ng aktres.

Sa exclusive interview ng PEP kay Aimee ay idinetalye niya kung paano at saan binili ang D&G shirt ni Marian.


Stories We Are Tracking

Marian Rivera's shopper '100% sure' the shirt is real
Marian Rivera's shopper '100% sure' the shirt is real
Marian's shirt not fake, says authorized D&G in Dubai
Marian's shirt not fake, says authorized D&G in Dubai

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Marian tungkol sa isyung ito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong show niya sa GMA Network, Tadhana, ngayong Biyernes ng tanghali, May 19.

Pahayag ng Kapuso star, "Alam mo, T-shirt lang 'yan, maliit na bagay.

"At para sa akin, hindi 'yan kailanman magiging basehan para usisain kung anong klaseng pagkatao meron ka.

"Para sa akin, hindi big deal talaga.";

BLESSINGS. Sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan, na bahagi ng pagiging isang artista, tila sunud-sunod naman ang magagandang nangyayari sa personal na buhay at maging sa career ni Marian.

Kagagaling lang nilang pamilya sa Euprope para magbakasyon. Malakas din ang sinimulan niyang negosyo, ang Flora Vida by Marian.

Bukod sa Tadhana, malapit na rin simulan ang bagong primetime series niya sa GMA Network.

Ayaw raw isipin ni Marian na dahil sa magagandang pangyayari sa kanyang buhay ay may mga naiinggit sa kanya.

"Dyusko, na-pressure ako!"; bulalas niya.

Patuloy ng actress-TV host: "Ang pangit naman ng salitang kinaiinggitan, huwag na yun.

"Siguro ano na lang, kung may mga pagkakataon na nangyayaring ganyan sa buhay, siguro mas iisipin ko na lang na mas maraming biyaya na natatamo ko, at wala akong ni katiting na dahilan para i-entertain yung mga ganyang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siguro, mas maganda na ipagdasal na lang kung anuman ang happiness na meron ako doon sa taong sinasabi o kung sino man, e, ma-share 'yan sa kanya.";

Hindi na rin daw dapat magkaroon ng inggitan.

Saad niya, "Tama na, nandiyan ang asawa ko, may anak ako.

"Hinihiling ko na magkaanak pa.

"May trabaho ako, may mga taong nagmamahal sa akin.

"May magulang ako, kakikita ko lang sa tatay ko…

"Parang walang way at posisyon ni katiting na i-entertain ko ang mga ganun, huwag na."

EUROPEAN TRIP. Gaya ng nabanggit, ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang dumating si Marian, ang mister niyang si Dingdong Dantes, at ang anak nilang si Zia mula sa ilang linggong bakasyaon sa Europe.

Isa sa mga pinuntahan nila ay ang Spain, kung saan nakatira ang ama ni Marian na si Francisco Javier Gracia, isang Spanish.

Doon din unang beses nakita nang personal ng ama ni Marian ang apo nito sa aktres.

Ipinagdiwang naman nila ang nakaraang Mother’s Day habang nasa Seville, Spain sila.

Ano ang iniregalo sa kanya ni Dingdong?

Sagot ni Marian, "Wala nang pasabog. Yung trip namin, yun na ang pasabog niya sa akin."

Sa isang buwan ay Father's Day celebration naman. May naiisip na ba siyang pangregalo kay Dingdong?

Aniya, "Iniisip ko pa nga, e. May nakita akong picture, i-post ko.

"Kasi ang ganda ng na-capture ko, kasama niya si Zia, very candid siya.";

Kaugnay nito, marami ang pumupuri sa mga ipinu-post nilang larawan ni Dingdong sa Instagram, partikular na ang mga kuha nilang mag-anak sa Europe.

May ilang nagsasabi na "inspiration"; o "family goals"; ang kanilang pamilya.

Reaksiyon dito ni Marian, "Wow, inspiration!

"Siguro kung inspiration as isang pamilya, ang importante, hindi nasa picture, yung totoong momentum na magkakasama kaming tatlo.

"At yung mga pictures na sine-share namin through social media, gusto lang naming i-share yun sa mga taong nagmamahal sa amin at walang-sawang nagdarasal para maging masaya ang pamilya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, isa lang yun sa mga katiting na dahilan para i-share namin sa kanila.

"At kulang pa yung pagpu-post na 'yan at salita ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal sa amin, especially yung iba nga, hindi na Marian at Dingdong, Zia na.";

Dagdag niya, "Siguro kahit sa maliit na pagkakataon na 'yan, sine-share namin ang pictures ni Zia, e, way namin yun ng pasasalamat sa kanila.";

Malinaw raw kay Marian na walang perpektong relasyon, pero puwede raw na maging "close to perfect.";

TADHANA. Sa isang banda, isa raw sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Marian na maging host ng GMA News and Public Affairs program na Tadhana ay para makatulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kahit sa maliit na paraan.

Saad niya, "Isa yun sa mga dahilan kung bakit ko tinanggap itong Tadhana. Kahit hindi ako familiar na maging storyteller talaga.

"Kasi, ito yung isa sa mga paraan para sa mga kababayan natin sa ibang bansa para puwede silang magpadala ng sulat at ikuwento ang buhay at experience nila.

"Baka sa pagkakataong yun, matulungan natin sila kung may problema sila. 

"So, malaking bagay itong Tadhana para ikalat sa mga kababayan natin sa ibang bansa, na may mga tao, may mga Filipino para sa kanila. 

"Kung may problema man sila na maaaring masolusyonan.

"Hindi man siguro mabilisan, pero at least mabigyan ng puwang na makita natin na, 'Ay, kailangan ng tulong ng kababayan natin na ito, tulungan natin.'"

Binigyang-diin ni Marian na lahat ng mapapanood sa Tadhana ay mga totoong kuwento ng mga OFW.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN