Marian Rivera on 'snubbing incident' with Andrea Torres: "Patayin na lang natin."

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on Andrea Torres: "Ang pagkakaalam ko, wala kaming problemang dalawa, bilang ate-atehan niya ako. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami... at saka kapag may problema siya, sa akin din naman siya lumalapit. Maging adviser niya."


Tila ikinagulat ni Marian Rivera ang pagkabuhay muli ng diumano’y snubbing incident sa pagitan nila ni Andrea Torres.

Nagsimula ang balitang ito sa ulat ng PEP noong Marso, kung saan isang network insider ang nagsabi na inisnab ni Marian si Andrea nang magkita sila sa backstage ng Kapuso variety show na Sunday Pinasaya noong March 12.

Selos diumano ang dahilan ng pang-iisnab ni Marian kay Andrea.

Si Andrea ay nakasama ng mister ni Marian na si Dingdong Dantes sa dating primetime series na Alyas Robin Hood.

Bagamat matagal nang lumabas ang ulat tungkol sa snubbing incident, walang direktang pahayag sina Marian at Andrea.

Hanggang makapanayam ng PEP si Andrea sa isang event kahapon, May 18, kung saan inusisa namin siya tungkol dito.

Halatang iwas si Andrea na pag-usapan ang isyu.

Ngunit sabi niya sa huli, “Wala, walang issue.”


Stories We Are Tracking

Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report
Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera
Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera

KILL THE ISSUE. Ngayong Biyernes, May 19, si Marian naman ang nakausap ng PEP sa presscon ng bago niyang programa sa GMA-7, ang Tadhana.

Tinanong namin siya kung ano ang reaksyon niya sa naging pahayag ni Andrea.

“Meron ulit? Ano ba sabi?” balik-tanong niya sa PEP.

Ipinarating namin sa kanya na tila nag-aalangang sumagot si Andrea at ayaw na nitong pag-usapan ang isyu.

Pahayag naman ni Marian, “Hindi, kasi ang pagkakaalam ko, wala kaming problemang dalawa, bilang ate-atehan niya ako.

“Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami... at saka kapag may problema siya, sa akin din naman siya lumalapit. Maging adviser niya.

“So siguro, kaya ganun din ang sagot ng bata, kasi hindi rin niya alam ang isasagot. Siguro, ayaw rin niya ng intriga.

“Sinabi naman yata na wala, so wala na lang.

“Patayin na lang natin.”

Pero wala ba talagang nangyaring isnaban sa kanila ni Andrea?

“Wala naman, wala naman,” sagot ni Marian.

Nagulat ba siya na naungkat na naman ang isyung ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi, kasi alam ko naman na may mga ganyan talagang pagkakataon.

“Especially magbu-Book Two na naman ang Robin Hood, may ganyan na naman.”

Magkakasamang muli sina Andrea at Dingdong sa Alyas Robin Hood Book Two.

MARRIED LIFE. Mahigit dalawang taon nang kasal sina Marian at Dingdong.

Paano ilalarawan ng aktres ang pagsasama nila ngayon?

Ayon kay Marian, “Iba kasi kapag may anak.

“Kapag dalawa lang kayo at hindi pa kayo kasal, may mga arte-arte pa 'yan.

“Pero kapag ikinasal na kayo, may mga pagkakataon na magbe-bend ka to meet halfway, para okey ang lahat.

“But kapag may anak na kayo, mas lalo pa.

“Kumbaga, nandito kayo, may anak. May gumanun lang, 'Hindi, kailangan ganito tayo. Kailangang stick tayo.”

Siya ba yung tipng  submissive sa kanyang mister?

“Depende kung positive ba 'yan or in a negative na submissive,” tugon niya.

Yung positive na submissive?

“Oo naman,” pag-amin ni Marian.

“Siyempre, bilang asawa, bilang ilaw ng tahanan, e, lahat gagawin mo para sa pamilya mo.

“Poproteksyunan mo, aalagaan mo, ibibigay mong lahat, di ba?

“Wala naman sigurong nanay na hindi gugustuhing maging maayos ang pamilya nila, especially sa anak nila. 

“At alam ni Dong 'yan, si Zia talaga ako… Zia!” natawang sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN