President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN

IMAGE Courtesy: Presidential Communications Facebook page

Muli na namang nagpakawala ng maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa giant network na ABS-CBN. Nagbanta rin ang Pangulo na sasampahan niya ng reklamong estafa ang network dahil diumano sa hindi pagsauli ng perang ibinayad niya para sa kanyang campaign ad na hindi naipalabas.


Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sasampahan niya ng kasong estafa ang pinakamalaking TV network sa Pilipinas, ang ABS-CBN.

Sinabi itong Pangulo sa kanyang talumpati sa launching ng isang bagong housing project para sa mga sundalo at pulis sa Davao City ngayong Biyernes, May 19.

Bahagi ng talumpati ni Duterte: “'Yang ABS na ‘yan, isa ka pang pu**ng ina, mga mukhang pera!

“Tapos kung mag-editorialize kayo, yung mga komentaryo ninyo, kami ang masasama.

“Actually, kayo ang magnanakaw, e.

"Gabby Lopez... I paid ABS-CBN P2.8 million, I was only able to gather money during the last weeks of my candidacy.”

Si Gabby Lopez ang chairman ng Kapamilya network.

Ang tinutukoy namang halaga ni Duterte ay ang ibinayad umano niya para sa kanyang campaign ad noong May 2016 presidential elections.

Ayon pa sa Pangulo, bumuhos lamang ang campaign contributions niya noong tumaas na ang kanyang ratings sa huling bahagi ng kampanya.

“Dumating na yung pera, nagmakaawa ako sa inyo, kasi wala akong pera… wala akong propaganda sa TV. Sabi ko, ‘Puwede ba ito isingit ninyo?’

“Tinanggap niyo yung pera ko, never bothered to show my propaganda.

"Pagkatapos ng eleksiyon, kinalimutan lang ninyo, hindi niyo naman isinauli yung pera.

"You did it to me, kay [Roman] Romulo, kay [Alan Peter] Cayetano, kay Chiz Escudero, at marami pa."

Bukod sa posibleng maging balakid ang Pangulo sa renewal of franchise ng ABS-CBN, sasampahan naman sila nito ngayon ng reklamong estafa.

Saad ni Duterte, “Ngayong ang franchise ninyo, kumpiyansa kayo, ang franchise renewable this year.

“If you are in operation for 25 years and maganda ang record niyo, no need for another franchise.

“But I’m telling you now, I will be filing charges of multiple syndicated estafa.

“Kawalang hiya, mga baga mog nawong... ang kakapal ng mukha ng pu**ng ina kayo!

“Le*se, kayo yung mayayaman, kami pa yung mga pobreng pulitiko ang sasalsalin ninyo!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong April 27, sinabi ng Pangulo na haharangin niya ang renewal of franchise ng ABS-CBN na dadaan sa Kongreso.

Kabaligtaran naman ito sa mabilis na pagpirma ng Pangulo sa renewal of franchise ng GMA Network, Inc. 


Stories We Are Tracking

Duterte threatens to block ABS-CBN franchise renewal
Duterte threatens to block ABS-CBN franchise renewal

PRIETO AND RUFINO CLANS. Hindi rin nakalusot kay Pangulong Duterte ang mga may-ari ng Philippine Daily Inquirer—ang Rufino at Prieto clans.

Ilang buwan nang binabanatan ng Presidente ang mga nasabing negosyante.

Ito ay dahil sa hindi raw pagsauli ng mga ito ng lupa ng gobyerno na isang prime property sa Makati, ang Creekside/Mile Long, na nirentahan ng Sunvar Realty and Development Corp., na pagmamay-ari rin ng Prieto at Rufino clan.

“Yung propriyedad ng tao, ng gobyerno, sa panahon ko isasauli ninyo.

“Return it to the government, baka magamit ko pa.

"‘Yang Mile Long Creek diyan sa Makati, which is occupied by the Inquirer and the Dunkin Donuts, ‘yan yung may-ari ng Inquirer.

“You’ve got that property for 25 years for a song. Then another 25 years as a sweetheart dead.

“It ended several years ago, ang ginawa ninyo ay mag-file ng kaso.

"At ito namang korte, kayong sa judiciary, you better come to your senses.

"Kasi kayong mga taga… kayong mga judges, either mga nabibili kayo or mga bobo kayo, o kontra-Pilipino kayo.

“That property should have been returned to the government.

"Kasi kung isauli ‘yan, ipagbili ko ‘yan bidding at gawain kong bahay para sa tao.

“Masiguro ninyo yun. But return it to the people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN