Arnell Ignacio plans all-star charity single to raise environmental awareness

IMAGE Arnell Ignacio Facebook

Arnell Ignacio hopes to raise environmental awareness through an all-star charity single reminiscent of "We Are The World": "Kasi iniisip natin, yung labas ng bahay natin e hindi natin bahay. Kung iisipin mong bahay mo ang buong Pilipinas, dadalhin mo yun e, aalagaan mo. Magagalit ka kung may sumira ng gubat mo, kasi atin yan, e."


Itinuturing ni Arnell Ignacio bilang isang napaka-ambisyosong project ang pinaghahandaan nila ng batikang composer na si Vehnee Saturno.

Bilang isa sa supporters ni Pres. Rodrigo Duterte at AVP for Community Service and Development ng PAGCOR, may naisip si Arnell na charity single kagaya ng “We Are The World,” o “Do They Know It’s Christmas?” na posibleng salihan ng mga kilalang Pinoy recording artists.

Ang “We Are the World” (1985) at “Do They Know It's Christmas?” (1984) ay charity singles na pinagtulung-tulungan ng sikat na singers gaya nila Michael Jackson, Lionel Richie, Stevie Wonder, Bruce Springsteen at marami pang iba, na nagsilbi bilang kanilang tulong para sa African famine relief.

Matapos nilang mapag-usapan ay nagustuhan naman daw ni Vehnee ang konsepto.

Kuwento ni Arnell sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Meron kaming project ngayon na itong ginagawa ni Vehnee na pinag-uusapan lang…

“Kung bakit ikaw sa bahay mo alagang-alaga mo, pero paglabas ng bahay mo, parang dedma ka lang kung may magtapon, kung may magsira.”

CONCEPT. Ang konsepto raw ng kantang binubuo ngayon ni Vehnee ay tungkol sa pagmamahal at pag-aalaga sa ating bansa, kagaya ng pag-alaga at pagbigay ng atensyon sa ating tahanan.

Dagdag niya, “Hindi pa nabubuo ito ni Vehnee, pero he’s very excited with the concept nung na-discuss ko sa kanya.

“Kasi iniisip natin, yung labas ng bahay natin e hindi natin bahay.

“Kung iisipin mong bahay mo ang buong Pilipinas, dadalhin mo yun e, aalagaan mo.

“Magagalit ka kung may sumira ng gubat mo, kasi atin yan, e.”

Tanong din ni Arnell sa amin, “Ikaw ba papayag na umihi o magdumi sa kahit saang sulok ng bahay mo?”

Sana ganun din daw ang pagtrato natin sa bawat paligid ng ating bansa.

“Dapat ang tingin mo sa buong Pilipinas, bahay mo.

“Yung nakikita mo dito sa Pilipinas, kapatid mo 'yan. Kasi, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-iiba yun lahat e,” paliwang pa niya.

CALL FOR UNITY. Hindi lang daw niya alam kung paano nila ito mabubuo, dahil iniisip pa raw niya kung makakakuha sila ng sponsors para may budget sila na panggastos sa production ng kanta, pati na rin ang music video nito.

Sana rin daw ay maging cooperative ang mga artists na magiging bahagi ng proyektong ito, kahit kampi o kontra sa kasulukuyang gobyerno.

“Pinaplano namin ito ni Vehnee, naiisip namin, hopefully sana mag-cooperate ang ibang artists.

“Ito susubukan namin talagang imbitahin.

“Wala na itong reference kung ano ang paniniwala mo sa pulitika.

“Ito, gusto naming imbitahin pati yung mga kumokontra sa gobyerno, kasi tayo, dapat lahat tayo kampi-kampi.

“Huwag natin awayin ang sarili natin. Para tayong mga baliw, e!

“Itong ating political revolution na nangyayari, lalagyan namin ng music para lalong ma-emphasize kung ano itong pagbabago na nangyayari.

“Kung ano yun atin, yun ang ating mamahalin dapat,” seryosong pahayag ni Arnell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN