Jinggoy Estrada decries CHR inspection led by De Lima appointees

IMAGE Mark Pimentel

Senator Jinggoy Estrada on the Commission on Human Rights' (CHR) inspection of Senator Estrada and Senator Bong Revilla's detention cells in Camp Crame: "That really caught my ire!! 'Huh?,' I asked. 'Bakit ngayon lang kayo bumisita sa amin? Samantalang wala pang isang buwan si De Lima [Senator Leila de Lima] dito, nakapunta na kayo kaagad sa kanya. Kami, tatlong taon na kami dito, ngayon niyo lang kami pinuntahan?'"


Sa June 23, 2017, tatlong taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame ang mga aktor at former senators na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. dahil sa kasong plunder na ibinibintang sa kanila.

Kahapon, May 19, binisita sina Jinggoy at Bong ng mga miyembro ng Commission on Human Rights (CHR) sa detention cell nila.

Hindi itinago ni Jinggoy ang kanyang pagkadismaya tungkol sa pagdalaw ng CHR members.

“Yesterday, around eight members of the CHR visited me and Sen. Bong.

“It was Sen. Bong who talked to them first.

“The officer on duty knocked on my door since I was still fast asleep at that time.

“When I asked what he needed, he told me that the members of the CHR wanted to see me and talk to me. I said OK.

“When I stepped out of my room, Sen. Bong returned to his room.

“I eventually confronted them and asked what they needed from us.

“One of them replied, 'We are here to visit you and to conduct an inspection.'

“That really caught my ire!! 'Huh?,' I asked. 'Bakit ngayon lang kayo bumisita sa amin?'

“'Samantalang wala pang isang buwan si De Lima [Senator Leila de Lima] dito, nakapunta na kayo kaagad sa kanya.

“Kami, tatlong taon na kami dito, ngayon niyo lang kami pinuntahan?” kuwento ni Senator Jinggoy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging reaksyon niya sa pagbisita ng mga tauhan ng CHR.

HYPOCRITES. “I admit I was already on top of my voice since I cannot take the alibis of these hypocrites.

“Nasaan kayo nung nakulong kami nung unang buwan?

“Alam niyo ba kung paano kami tratuhin ng mga gwardiya namin?

“Alam niyo ba na hirap na hirap kami dito, samantalang wala pang isang buwan si De Lima dito, nandiyan na kayo, to the rescue, halos i-broadcast ninyo sa media ang kalagayan ni De Lima?” sumbat ni Jinggoy sa kanyang mga bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I reminded them that we too were incumbent senators at that time.

“One of them even had the guts of telling me that they sought an appointment to visit us last month.

“Imagine, last month!!

“I retorted, 'Magtatatlong-taon na kami dito, last month lang kayo humihingi ng pahintulot na bisitahin kami?' Mga hipokrito talaga!!

“Ang sabi ko sa kanila, 'Let’s face reality. Kaya naman kayo nandito ngayon ay dahil kay De Lima.'

“'Maybe she instructed you guys to pay us a visit and to compare our living conditions.'

“I was informed later that day that most of those who visited us were appointees of De Lima. You BUNCH of hypocrites!!

“Try visiting us again and I will give you the same tongue-lashing and dressing down that you guys in CHR deserve!!” prangkang paglalantad niya ng sama ng loob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN