Nyoy Volante not rushing baby plans

IMAGE Glen sibonga

Singer Nyoy Volante on baby plans with wife Mikkie Bradshaw: "It happens when it happens. Hindi naman kami nagmamadali, pero hindi namin siya pinipigilan."


Gusto na ni Nyoy Volante na magkaroon ng sarili niyang anak sa kanyang stage actress wife na si Mikkie Bradshaw, pero nilinaw niya na hindi naman daw sila nagmamadali.

Wala rin daw silang usapan ng asawa niya na on-hold muna ang kanilang baby plans kahit na pareho silang busy sa trabaho.

Mahigit isang taon nang kasal sina Nyoy at Mikkie matapos silang ikasal noong February 24, 2016 sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

“You know what, it happens when it happens.

“We’re not in a hurry, but also we wanted it to happen na.

“So, it’s just a matter of us being in the right chance, siguro yung tamang timing lang, because we wanted it na.

“Siguro hindi pa lang hinahayaan [ng tadhana].

“And hindi naman namin hinihindian yung mga blessings.

“Even if I’m busy, I think I will be okay. But if she is busy, yun ang mahirap e,” sabi ni Nyoy.

Ang concern ni Nyoy ay mas na kay Mikkie dahil ito nga naman ang magbubuntis.

Dagdag niya, “Exactly, yes. So, it happens when it happens.

“Hindi naman kami nagmamadali, pero hindi namin siya pinipigilan.”

BUSY SKEDS. Ano ba ang pinagkakaabalahan ngayon ng asawa niya?

“Well, she does theater a lot, e.

“May mga raket pa siya sa singing, yung mga singing engagements.

“Tapos, hosting because she’s also a great host.

“But aside from that, theater talaga siya. She’s one of the pure breed theater people.

“So, she’s very busy with that.

"It’s a good thing that we’re both into theater and performing, so we understand each other’s schedules, workload, things like that,” lahad niya.

Kung may choice siya, boy o girl ba ang gusto niyang first born?

Dasal niya, “Boy sana, kasi we have a girl now, e.

“May girl na kami, so boy naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May anak na kasi si Mikkie nang pakasalan siya ni Nyoy.

Sa ngayon, happy naman si Nyoy sa relationship niya sa kanyang stepdaughter na si Sofie.

Close daw sila at nakikinig sa kanya kapag pinagsasabihan niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nyoy sa presscon ng Tony- and Grammy Award-winning musical na Kinky Boots, kunsaan isa siya sa mga bida kasama sina Laurence Mossman at Yanah Laurel.

Ginanap ang presscon nitong nakaraang Biyernes, May 19, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN