Kiko Estrada clueless on ex-girlfriend Kim Rodriguez's pregnancy rumor

IMAGE Instagram/kikoestradaofficial

Kiko Estrada says although he's still friends with ex-girlfriend Kim Rodriguez (left), he hasn't been communicating with her lately.


Nagulat si Kiko Estrada nang matanong kung totoong buntis ang ex-girlfriend niyang si Kim Rodriguez.

Ayon sa aktor, matagal na raw niyang hindi nakikita o nakakausap si Kim.

“I honestly don’t know kung ano ang mga nangyayari na sa buhay ni Kim.

“Magkaibigan pa rin naman kami.

"Pero we haven’t been communicating a lot dahil naging busy ako at busy din naman siguro siya.

“May nagsabi lang sa akin na she has a boyfriend.

"Yun lang ang alam ko," sagot ni Kiko nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media groups sa grand launch ng Mulawin VS. Ravena sa Hive Hotel and Convention Center, Quezon City, kamakailan.

“Kaya noong may magtanong kung totoong buntis siya, hindi ako agad makasagot kasi wala akong alam talaga.

“Sana po ay hindi ‘yan totoo kasi sayang naman ang career ni Kim,” patuloy pa ni Kiko Estrada.

THE MYSTERIOUS RAFAEL. Happy naman si Kiko dahil sa kakaibang role na ibinigay sa kanya sa telefantasya na Mulawin VS. Ravena.

Gaganap siya bilang si Rafael Montenegro at makaka-love triangle niya sina Derrick Monasterio at Bea Binene.

Ang nagustuhan ni Kiko sa kanyang role ay ang misteryo sa pagkatao nito.

“Hindi mo alam kasi kung ano talaga ang personality niya.

"Minsan mabait, minsan salbahe siya.

“Yung mystery ay kung sino ba ang tunay niyang ama, kasi ayaw itong banggitin ng mother niya na si Savanna [played by Charee Pineda].

“Basta may mangyayari rito kay Rafael na magiging dahilan para malaman niya kung sino talaga siya," kuwento niya.

Matagal ding naghintay si Kiko ng bagong teleserye pagkatapos ng pagbida niya sa afternoon teleserye na Sinungaling Mong Puso.

Worth the wait naman daw, dahil nabigyan siya ng sapat na panahon para makapag-prepare sa binigay na role sa kanya sa Mulawin VS. Ravena.

“Right after Sinungaling Mong Puso, sinabi na sa akin na kasama ako sa Mulawin VS. Ravena. Hindi ko pa alam that time ang role ko, pero nag-start na kami ng training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan kong mag-lose ng weight, kasi noong time ng Sinungaling Mong Puso, medyo malaki ang katawan ko.

"Gusto nila na lean ang katawan ko for the role of Rafael.

“It was worth the wait kasi when we started taping, maayos na kaming lahat.

"Na-miss ko ang mag-taping kaya it was good na naging busy ulit tayo,” ngiti pa niya.

WORKING WITH MANONG. Sa Mulawin VS. Ravena, first time makakatrabaho ni Kiko ang kanyang real-life uncle na si Joko Diaz.

Si Joko ay kapatid ng ina ni Kiko na si Cheska Diaz.

Ayon kay Kiko, “manong” ang tawag niya sa kanyang Tito Joko.

“Bata pa lang ako, manong na ang tawag ko kay Tito Joko.

“We are actually very close at nakakatuwa na magkasama kami sa isang show for the first time.

“I’m sure na masaya si Lolo [Paquito Diaz] kasi may dream siya na three generations of Diaz men na magsama sa isang project.

“Kaso naunang mawala si Lolo, kaya kami na lang ni Manong.

"We’re making the most out of it kasi nga first time kaming magkasama sa isang TV project.”

Natuwa rin si Kiko na kasama rin sa Mulawin VS. Ravena si Angelu de Leon

Pinsan naman ni Kiko ang anak ni Joko kay Angelu na si Louise Nicole de Leon.

“First time ko ma-meet sina Tita Angelu at si Nicole noong wake ni Lolo noong 2011.

“Doon ko lang unang nakilala ang pinsan kong si Nicole.

“I think okey na silang dalawa ni Manong.

“Nag-uusap na silang dalawa yata.

“That’s good kasi Nicole is already 18 years old.

"Mas maganda yung on good terms ang mga parents niya.

“Kaya walang problema na nasa iisang show silang dalawa. Everybody’s happy,” ngiti pa ni Kiko.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN