Vilma Santos approves of Jessy Mendiola for son Luis: "I like her."

IMAGE Facebook photo of Vilma Santos-Recto

Batangas Rep. Vilma Santos-Recto says she's happy for son Lucky Manzano's current relationship with Jessy Mendiola: "I like her. Sa ngayon, nakikita ko naman na masaya sila pareho ni Lucky, so masaya na rin ako."


Ngayong inamin na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang tunay na estado ng kanilang relasyon, masaya si Batangas Rep. Vilma Santos sa pagkakaroon ng kasintahan kanyang panganay na anak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang Star For All Seasons sa katatapos na 48th Guillermo Mendoza Memorial Foundation Box Office Entertainment Awards na ginanap noong nakaraang Linggo, May 14, sa Henry Lee Irwin Theatre, Ateneo de Manila University, Quezon City.

Lahad ni Cong. Vilma, “Masaya naman kami.

“I don’t think may problema.

“Boto? Bakit naman kailangan ng boto ko?

“I like her.

“Sa ngayon, nakikita ko naman na masaya sila pareho ni Lucky, so masaya na rin ako.”

MEMO FOR NEXT DARNA. Isa sa mga aktres na gumanap sa role ng Darna, sa ngayon ay maraming nakikita si Cong. Vilma na puwedeng gumanap sa nasabing papel, pero may kundisyon siyang ibinigay sa sinumang susuwertihing mapili bilang next Darna.

“Wala, maraming puwedeng gumanap, kaya lang kailangang ma-maintain talaga yung paninindigan talaga ng isang super hero,” diin niya.

THANKFUL FOR AWARD. Itinanghal si Cong. Vilma bilang Film Actress of the Year sa 48th Guillermo Mendoza Memorial Foundation Box Office Entertainment Awards para sa pelikulang Everything About Her.

Sa dami ng mga natanggap niyang awards sa kabuuan ng kanyang showbiz career, nakakaramdam pa rin ba siya ng excitement kapag may nakukuha siyang bagong award?

Pag-amin niya, “Oo naman! I still appreciate it, grabe naman.

“Nakaka-excite pa rin and I’m also very thankful.

“Maraming, maraming salamat.

“Another karangalan na naman ito na utang na loob ko sa lahat ng tumatangkilik sa akin.

“Maraming salamat po sa inyong lahat at siyempre sa Guillermo Mendoza Memorial.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN