Eugene Domingo not yet ready to have her own baby

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo admits that she's not yet ready to face the responsibilities of having a baby: "Madaling sabihin na, 'Ay, gusto ko nang magkaroon ng baby!' or 'Gusto ko nang magkaroon ng anak.' Pero ang tanong ay ready ka ba talaga? Kasi being a mother is such a big commitment."


Pinag-iisipan pa rin daw ng award-winning comedienne and TV host na si Eugene Domingo ang tungkol sa pagbubuntis at pagkakaroon ng sariling anak.

Ayon sa 45-year-old actress/TV host, isang malaking commitment ang pagiging isang ina.

Kaya raw dapat lang na maging handa—physically, mentally at financially.

“Madaling sabihin na, ‘Ay, gusto ko nang magkaroon ng baby!’ or ‘Gusto ko nang magkaroon ng anak.’

“Pero ang tanong ay ready ka ba talaga? Kasi being a mother is such a big commitment.

“Kaya ako, saludo ako sa mga mothers talaga kasi hindi madali ang mag-decide na magbigay ka ng buhay at aalagan mo.

“Nakasalalay sa iyo ang buhay ng batang ‘yan. Kaya hindi ka dapat magkamali sa pagpapalaki nito.

“Ang sa akin lang, hindi ako magbubuntis just for the sake na kailangan may anak na ako.

“Hindi naman dapat gano’n, e.

“May choice naman kaming mga babae.

“And I choose na hindi pa muna, kasi I feel na hindi pa ako handa para sa ganyang kalaking responsibility,” pahayag ni Uge nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pagbabalik ng all-original Pinoy game show na Celebrity Bluff.

WHAT IFS. Pero inamin ni Uge na minsan daw ay iniisip niya kung paano raw ang magiging buhay niya kung sakaling may anak na siya.

“Marami tayong mga ‘What if?’ sa buhay natin, di ba?

“Kasama na yung magkaroon ng anak sa mga what ifs sa buhay ko.

“Siguro, darating tayo sa ganyan kapag handang-handa na ako.

“Like what I said, hindi madaling decision ‘yan.

“Pinag-iisipan ‘yan nang mabuti,” diin pa ni Uge.

ENJOYING HER TRAVELS. Sa ngayon, mas gusto muna ni Uge na mag-travel sa iba’t ibang bansa kasama ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.

“Hanggang kaya pa naming mag-travel na dalawa, gagawin namin.

“There is so much to see sa buong mundo at balak naming puntahan lahat ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tulad niya, first time siyang makarating ng Pilipinas, kaya pinakita ko sa kanya ang lahat, hindi lang ang mga magagandang lugar.

“Sobra niyang na-appreciate ang bansa natin kaya gusto niyang bumalik para makita pa ang iba pang lugar.

“Ako naman, tinu-tour niya ako sa buong Italy.

“There is so much to see sa bansa niya aside from the usual na Milan, Rome and Venice.

“Gusto namin yung mga tagong lugar na bihirang makita ng mga turista.

“Tsaka, may plans kaming libutin ang buong Europe, Asia, Africa at America.

“We want to experience different cultures.

“Lalo na si Danilo, gusto niyang pumunta sa iba’t ibang film festivals.

“Gusto kong samahan siya kasi pareho kaming mapaghanap ng kakaibang adventure sa buhay,” ngiti pa niya.

WORKING WITH EDU. Sa June 3 na simula ng bagong Celebrity Bluff kunsaan makakasama niya si Edu Manzano bilang special bluffer ng show.

“Never pa kami nagkakasama talaga ni Doods sa isang TV show.

“Nagkasama na kami before sa movie na Tanging Ina, pero guest role lang siya doon.

“Tapos, nagkakasama kami sa ilang mga showbiz events.

“Natural na komedyante si Doods.

“At perfect sa kanya na maging isa sa bluffers ng show kasi napapaniwala niya ang contestants sa mga sinasabi niya.

“Kaya ang contestants, aligaga kung nagba-bluff ba si Doods or nagsasabi ba siya ng fact.

“Magaling siyang manlinlang, e. But at the same time, marami siyang alam sa mga trivias.

“Happy ako na pumayag si Mr. Edu Manzano na maging part ng show namin,” pagtatapos ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN