Gil Cuerva admits "culture shock" during transition from modeling to showbiz

IMAGE Noel Orsal

Newbie Kapuso actor Gil Cuerva, lead star of GMA-7's My Love from the Star, admits experiencing a bit of culture shock during his recent initiation into the showbiz world: "I guess, it's a different industry sa modeling. I have to make certain adjustments, certain sacrifices. Pero, you know, it's something I embrace and I'm ready for it."


Dahil bagong sabak pa lang siya sa showbiz, unang beses pa lang nakahalubilo ng bagong Kapuso leading man na si Gil Cuerva ang ilan sa mga miyembro ng entertainment press sa ginanap na grand presscon ng My Love From the Star (MLFTS), ang bagong primetime series ng Kapuso network.

Galing si Gil sa mundo ng modeling, at inamin niyang mayroon siyang konting “culture shock.”

"Na-culture shock ako nang konti," pag-amin ni Gil nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng My Love from the Star na ginanap sa Studio 5 ng GMA Annex Building.

Aniya, "I guess, it's a different industry sa modeling.

“I have to make certain adjustments, certain sacrifices.

“Pero it's something I embrace and I'm ready for it."

Nag-audition si Gil para sa karakter ni Matteo Dominguez, ang alien na sa iba't ibang panahon ay nanirahan sa mundo at na-in love sa karakter ni Jennylyn Mercado bilang si Steffi Chavez.

Naisip niya ba kung ano ang meron siya at siya ang napili sa napakaraming nag-audition para sa naturang karakter?

Lahad niya, "Well, sabi po ni Direk Joyce [Bernal], siguro po yung rehistro ko sa camera.

“Lahat po yun sinabi ni Direk Joyce, e.

“I guess, mas mysterious na dating sa look ko which they're looking sa role ni Matteo po."

Talagang mahaba na raw ang buhok niya dahil bahagi ito ng preparasyon niya sa planong pagmu-modelo sana sa Thailand.

Hanggang sa nakuha nga siya sa My Love from the Star.

DREAMS OF BECOMING A DIRECTOR. Kasalukuyang nagmu-model sa Hongkong si Gil nang mag-audition siya para sa MLFTS.

Nagkataong break lang daw niya noon kaya nasa Pilipinas siya.

Kung tatanungin siya, pinangarap ba niya talaga ang mag-artista o pasukin ang mundo ng showbiz?

Pag-amin ni Gil, "Actually, I wanted to become a director, believe it or not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I consider myself as story maker.

“When you're the director, you're making the story.

“When you're the actor, you're telling the story.

“So, I guess it's a nice way to break into the industry, to become the storyteller and hopefully, later on sa career ko, I get to study film in a good university and become a good director."

Itutuloy niya pa rin ang pangarap na maging director?

"Yeah, pero siyempre, ang focus ko ngayon is to become a great actor.

“Ako ngayon, I want to prioritize yung acting ko more than anything at saka yung acting skills.

"I'll take all the workshops if possible," paninigurado pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN